The Socialite

Ang buhay ko online ay nagsimula dahil sa Friendster. Kung hindi ninyo alam ang Friendster dalawang rason lang yan—baka sobrang bata ka pa o wala kang computer noon. Ang Friendster ang pinaka “in thing” noon college ako. Doon pwede kang maglagay ng testi(mony) tungkol sa iyong BFF and not so BFF, mag-upload ng pictures at profile pic na finotoshop, at of course mag-stalk. Friendster ang first generation social media site. Makalipas ang ilang taon, naglipana na ang ibang mga social media sites tulad ng My Space, Facebook, Twitter, Plurk, at kung anu-ano pa.

So ngayon napaisip ako, ilan na ba ang nagawa kong account sa web at ilan dun ang inaasikaso ko pa. Binilang ko. Ang mga nakalista sa baba ay ilan lang sa mga social media accounts/blog/portfolio na inaasikaso ko at buhay pa (hindi ko na sinama yung iba kasi private *teehee*).

  1. WordPress account
    Siyempre ito inuna ko dahil sipsip ako sa wordpress. Meron akong tatlong account na buhay, isa dun ay joint project kay naka-private setting.

    1. Coffee Cup Adventures
    2. Coffee Cup Stains
  1. Facebook
    Hindi nga lang ito nakashare sa lahat. Hindi ko lang kasi hilig magkaroon na sobrang daming “friends” sa facebook tapos hindi ko naman sila kilala. Kapag madami na akong fans gagawa nalang ako ng fan page. Chos!
  1. Twitter
    Follow me @anaricafranca. Dati ayaw ko pang gawin public ang aking account pero ayun, nagpadala din sa gusto ng fans. Feeling artista talaga pagpasensyahan ninyo na.
  1. Instagram
    Lately lang ako nagkaron kasi lately rin lang nagkaron ng instagram sa android. Yes, android ang OS ng phone ko.
  1. Tumblr
    Meron akong dalawang tumblr account—isa para tapunan ng mga gusto kong bagay-bagay sa web at yung isa naman para sa travel blog ko.

    1. Yanangski
    2. Inday Travels
  1. Dribbble
    Ito naman ang aking online portfolio. Puro thumbnails ng artworks ko ang makikita ninyo dito. Feeling lonely pa ako sa dribbble kasi konti lang ang kakilala kong mga friends na nandito. Medyo elite kasi ang dribbble, ewan ko ba sa kanila.­
  1. Carbonmade
    Isa din online portfolio pero paminsan-minsan ko lang ito inaupdate. So kung meron kayong pagagawa na design, open ako para magfreelance. Take note, freelance hindi volunteer designer.
  1. Pinterest ito ang aking online art treasure chest, recipe book, soon-to-be cabinet, inspiration journal, at kapag gusto kong tumawa dahil wala lang. Hay . . . ito ang aking pin boards.

Meron din akong Multiply at Livejournal kung san ako nagsimula matuto magblog, Loookbook, at Plurk na hindi ko na isasama sa listahan dahil . . . ayoko.

Paano na ang aking Friendster? Wala na ito. Napuno na ito ng mga jejemons at never ko na siyang babalikan. Ang dami ko pa naman dun testies na hindi ko na copy-paste.

Tsk! Sayang!

 
Tuzki Bunny Emoticon  current mood: Ako na ang social!

Lessons in life we can learn from Titanic

Meron akong pinag-iisipan na ipost sa blog ko bago magpasukan uli­—1. Tungkol sa Easter at 2. Tungkol sa Titanic. Since madami na akong nababasa sa facebook at twitter tungkol sa Easter nagwagi ang Titanic. Alam niyo naman na hindi ako mainstream . . .

Charot!

100 years nang nakakalipas noong April 14, 1912 lumubog ang Titanic dahil bamangga ito sa isang floating iceberg. Bakit ito lumubog at paano panoorin ninyo nalang ang Titanic special ng Nat Geo. Pramis madami kang namatututunan.

Para sa akin ito ang take home ko sa mga napanood kong Titanic Docu:

1)   Huwag kang mayabang

Binansagan ang Titanic na Unsinkable Ship. Sa laki nito sabi nila kahit daw si God hindi kayang patumbahin ang Titanic. Sa sobrang angas ng mga hunghang na Engineer naglagay lang sila ng 20 life boat na makakasakay lang ng 65 na passengers each. Kalahati lang ng dami ng pasahero na pwede nilang ilagay. 700+ passengers lang ang naligtas nung lumubog ang Titanic.

Nung araw na lumubog ito lumabas kagad ito sa press. Ang headline “Titanic—The unsikable ship sank”  pati kahihiyan nila hindi nila naligtas.

Madaming dahilan ang nadiskubre kung bakit lumubog ang Titanic pero ito ang mga nahagilap ko:

  • The ship’s sailing had been postponed for three weeks. Had she sailed any other time, the iceberg would not have been there.
  • If the ship had traveled one mile per hour faster or slower, the iceberg would have been in a different position.
  • The iceberg was “blue,” the most difficult kind to see.
  • The night was moonless—no light to show the iceberg.
  • The night was windless. Wind would have made waves to splash on the iceberg making it more visible.
  • Men in the crow’s nest had no lookout glasses. They were on the ship, but had been misplaced.
  • Even so, the crew saw the iceberg in time to begin turning. If the crew had seen the iceberg 10 seconds sooner, the ship would have missed it.
  • If the crew had seen the iceberg ten seconds later, they would have hit it head on, causing damage which would not have sunk the ship. The ship sank because it grazed the berg, slicing open a long section of its side.

Source here

Rose: They said this ship is unsinkable. Jack: I bet they also said you can fly.

Madaming beses na sa kasaysayan ng tao na sinubukan natin si God. Madaming beses na rin na pinatunayan ni God na hindi natin siya mahihigitan. Sana matuto na tayo.

2)   Matutong makinig sa warnings

May mga ship na malapit sa Titanic bago ito lumubog—The Californian ship gave signals na meron floating icebergs pero hindi ito pinansin ng Titanic. Madaming thoeries kung bakit hindi ito sinabi sa captain, or bakit hindi nila binagalan ang Titanic.  Pero ang pinakaerror dito, hindi nila sinunod yung napakinggan nila—hindi sila bumagal. Hindi sila lumiko.

God is merciful and he communicates with us. Bibigyan niya tayo ng warnings bago pa tayo mapahamak. Pero nasa sa atin na yun kung makikinig tayo sa Kanya o hindi.

Tinanong ako ng nanay ko kagabi kung gagawin daw ba uli ang Titanic sasakay ba ako o hindi? At ang aking sagot, “Siyempre hindi!”

Kayo, mabigyan ng pagkakataon, sasakay ba kayo o hindi?

 
Tuzki Bunny Emoticon  current mood: Kulong sa kwartong mainit

Basketbolistang walang bola

Ipagpaumanhin ninyo po at hindi na ako nakakasulat sa blog na ito. Hindi ko naman ito pinabayaan at wala akong balak iwan lang ito basta-basta. Aba! Dito ata ako sumikat.

*Ahem!*  (sa isip ko lang naman yun)

Anyway!

Ngayon kasi may pinagkakaabalahan ako. Naisipan ko kasing gumawa ng account sa Dribbble (hindi typo triple “B” talaga). Para sa mga hindi nakakaalam, hindi ka basta-basta lang magpopost ng iyong artwork dun. Pagkagawa mo ng account ang pwede mo lang gawin ay maglike, magfollow, at magdasal na bigyan ka ng invitation para makasali ka. Napaunlakan naman ako ng imbitasyon. *teehee* lalo akong natuwa nung nalaman ko na pahirapan pala makakuha ng invitation dun. Yey!~

So ayun nagpost ako nang nagpost at medyo mahirap iplease ang dribbble community. Kahit feeling mo maganda na work mo. Hindi ka naman nila aawayin, pero hindi ka lang mapapansin kapag so-so ang iyong gawa.

Na kwento ko dito sa blog ang dribbble kasi . . . kasi parati ko siyang kinukwento sa mga kaibigan kong artist at medyo napagod na ako kaya ibibigay ko nalang sa kanila ang link na ito. Maganda kasing site ito para ifeature ang iyong mga works. So kung maisipan mong gumawa ng account wag kalimutan na ifollow ako.

uyyy sasali na yan. :>

 

Sali na sa laro! Promise hindi ka pagpapawisan . . .

Oh wait! I take that back. Pagpapawisan kang gumawa ng magandang artwork. :D

 

Tuzki Bunny Emoticon  current mood: Feeling wagi.

Tacet

Sinulat ko ang blog na ito para sa dalawang bagay: Una dahil namimiss ko na ang orchestra, at pangalawa dahil may dapat akong gawin ngayon na hindi ko pa nagagawa—yun ay ang magpahinga.

Natutunan ko ang salitang “tacet” years ago sa aming orchestra. Ito ay isang intruction na nasa piyesa ng singer o instrument na dapat wala siyang ginawa. Walang sound. Isang mahabang rest. Naalala ko napagsasabihan ako ng aking strings teacher dahil hindi daw ako nagbibilang ng rest. Dapat, tulad ng ibang notes, binibilang din ito, dahil kasama ito sa piyesa.

image from makemusic.com

Importante ang rest dahil binibigyan nito ang musician o singer ng pagkakataon huminga, magpahinga, at nagkakaroon ito ng magandang drama effect sa music na sinulat ng maestro.

Tulad sa aking mga piyesa, sa totoong buhay, nakakalimutan ko rin magpahinga. Ngayon dapat rest day ko, pero pinipilit ko pang gumawa ng project para habulin ang deadline. At tulad ng mga awitin na tinugtugan ko na hindi ako nagbibilang ng rest, feeling ko nasisira ko ang masterpiece na sinulat ng Maestro. Inuunahan ko Siya, hindi ko tinitignan ang kumpas ng kanyang mga kamay. May sarili na naman akong mundo.

Malapit nang matapos ang araw na ito at feeling ko nasayang lang ito kakaisip kung magpapahinga ako o hindi. Hay . . .

Another thing about tacet, Nabibigyan ka ng pagkakataon pakinggan ang musika dahil nakarest ka at wala kang ibang iniintindi, aantayin mo lang ang kumpas ng Maestro hudyat para ikaw ay umawit, kumilos, at gumawa (kasama Niya) ng magandang musika.

  current mood: Chill lang

How to effectively ruin your designers creativity?

Dahil minsan lang ako magpost ng english blog. First time ko rin subukan ang “press this” button ng wordpress kaya pagbigyan ninyo na ako.

How to effectively ruin your designers creativity?.

 
Tuzki Bunny Emoticon  current mood: Duma-dancing dancing dahil Pasko na.

Keep calm . . .

Naturingang nasa arts category ang aking blog pero minsan lang ako mag-post ng art related topics dito. Kaya para walang problema dadalasan ko na mag-post dito ng mga topics tungkol sa arts . . . wish.

Kung napapansin ninyo meron kumakalat sa internet na “keep calm  . . .” posters tulad nito . . .

Ginawa ito ng British government noong 1939 nung simula ng 2nd World War read more here.  Sumikat uli ito ng taong 2000 at ginawan na ng madaming version ng mga taong may malilikot na isip. Ilan lang ang mga sumusunod sa mga halimbawa ng mga “keep calm . . .” posters na may ibang version.

 

Inspirational

 

For coffee and tea lovers

 

For geeks

 

For the kikays

 

Pero paano kung ayaw mong mag-keep calm?

 

 

  current mood: Keep calm and keep the music playing

Before you buy that camera

Madami na akong nakikita na profile picture sa mga social media sites na mga taong nagpapakuha o kumukuha ng picture hawak ang kanilang (o hindi kaya hiram na) DSLR. Madaming ibig sabihin ang paghawak ng camera sa harap ng camera (o salamin) at pagpost nito sa social media:

Isa akong photographer, hire me.

Hindi ako professional photographer pero marunong ako kumuha ng picture

Afford ko ang DSLR

Binigay sa akin ito, mahal ako ng taong nagbigay nito

Hindi ko talaga alam kung paano ito gamitin pero ang cute ko kasi mukhang marunong ako

Gusto ko magkaroon ng DSLR

Nang-aasar lang kasi cliché ang magpakuha ng ganitong picture

Ok lang daw na iupload ko ito basta wag ko lang icrop ang kanyang wafu face

Kung anuman ang dahilan natin cool talaga ang magkaroon ng sariling DSLR. Kung meron ka na congrats, maslamang ka sa mga taong nag-aasam pa rin magkaroon ng sarili nilang DSLR (tulad ko). Pero kung wala pa at pinag-iisipan mo kung bibili ka o hindi para sa iyo ang blog post na ito.

Una, tanungin ang iyong sarili, bakit ko ba gusting bumili ng DSLR camera? Hobby lang ba o balak mong gawin pang-negosyo? Kung pang-business at talagang marunong kang gumamit ng camera at alam mo ang basics ng photography then go! Mahal man ang camerang ito alam mo naman na babalik din sa iyo ang perang pinangbili mo dahil kikita ka naman bilang isang photographer. Kung hobbyist ka naman at gusto mo lang kumuha ng picture na maganda para iupload lang sa facebook, mag-isip isip ka muna.

Wala naman sama kung bibili ka ng camera na kasing mahal ng isang laptop, kung meron ka naman perang pangbili ng camera, lente, case, at tripod then why not! Malay nga naman natin baka nagtatago lang ang isang photographer pero walang DSLR *ubo ubo*

Checklist para malaman kung bibilhin na ang inaasam na DSLR:

Madami ba nagsasabi na maganda ang mga photos na kinuha ko lang sa aking cellphone camera o kaya point-and-shoot camera? Tandaan, ang galing ay nasa Indyan, at hindi sa pana. Kung simpleng cellphone camera lang ay napapaganda mo na ang mga kinukuha mong litrato malamang handa ka na magDSLR.

May alam ba ako sa basics ng photography? Alam ko ba ang aperture, f-stop, ISO, white balance, etc. Kung hindi pa aralin muna ito. Madaming tutorial sa internet na pwede mong basahin at panoorin. Kung ayaw mong pag-aralan pwes, magpoint-and-shoot camera ka nalang.

• May alam ba ako sa darkroom Photoshop? Importante sa isang photographer, professional man o hindi, na malaman ang nangyayari sa loob ng darkroom. Hindi mo pa matatawag na sa iyo ang mga photos na kinunan mo kung hindi ikaw mismo ang nagprocess nito. Since hindi na gaanong uso ang film at hindi naman lahat ay kaya magproseso ng kanilang mga photos sa darkroom dahil mahal ang mga chemicals at enlarger (not to mention wala kang dark “room”) meron naman Photoshop. Ang photoshop ay ang digital darkroom sabi ni Thomas and John Knoll. At kung hindi mo pa ito alam madaming tutorial sa internet. Masaya mag-aral ng photoshop PRAMIS!

• Ano nga bang gagawin ko sa mga photos na kinuha ko? Sabihin na natin na meron ka nang DSLR, now what? Anong gagawin mo sa mga photos na kinuha mo? Pangfacebook lang ba? Gagawa ka ba ng photoblog? Pangdisplay sa bahay? Pangsali ng contest? Pag-isipan mo itong mabuti. Sino ba ang titingin ng mga photos mo?

• Alam ko na ba ang camera na gusto ko? Magresearch alamin ang camera na swak lang para sa iyo. Kailangan mo na ba kagad bumili ng underwater DSLR camera? Ano mga features na maganda? Kaya ba sa budget? Kung hindi ka pa tiyak, magtanong ka sa mga friendly photographers na pakalat kalat sa Hidalgo kakilala mong photographers.

Kung nasagot mo na ang mga katunungan na ito at decided ka na talagang bumili ng DSLR camera eh ano pang hinihintay mo? At kapag nabili mo na, huwag mong kalimutan na magpakuha ng picture na hawak ito. ;)

 

  current mood: Chill lang