Gusto mo bang magpapayat? Gusto mo bang magmaintain ng figure? Basahin mo itong blog ko at kumuha ng mga tips kung paano magpapayat na hindi mukhang pinabayaan ang sarili.
Pero bago ang lahat, paano mo naman malalaman kung reliable source ako? Mapayat ako pero hindi ako lampa, at kung lalaban ako sa women’s boxing pwede mo akong ihanay sa helium weight division (kung meron ngang ganung division).
Ang kapayatan ko ay dahil sa aking eating habits at yun ang ipapamahaging kong tips sa inyo. Ready?
Pampapayat tip # 1: eat breakfast
ayun kay koko krunch “breakfast is the most important meal of the day”. Ayaw nyong maniwala? Paliwanag ko kung bakit. *naks! Feeling expert*
madaming ayaw kumain ng almusal dahil ito daw ay nakakadagdag ng timbang. Pero base sa aking obserbasyon iyon ay isang malaking kalokohan. bakit? Dahil ang pagkain ng breakfast ay nakakatulong sa pagbawas ng inyong cravings sa mga matatamis na pagkain. Hindi din kayo masyadong gugutumin bago maglunch. Makes sense diba.
Pampapayat tip # 2: eat slooooooowly
hindi ibig sabihin ay kumain kayo in slow motion ha! (wag pilosopo). Kumain ng matagal, yung tipong mahigit na 30 mins sa isang meal. Sabi ng mga dalubsa (di ko alam pangalan nila), it takes 20 mins for your brain to send the message to your stomach that you’re full. Masmabilis kang kumain, mas madami kang makakain. Kapag mabagal kang kumain, kahit isang cup lang ng rice yan busog ka na. Ang tanong, paano ka kakain ng mabal?
busugin ang sarili sa kwento. Masmadaming kwento wala ka nang oras sumubo.
busugin ang sarili sa pananood ng TV. Tumitig ka lang sa TV makakalimutan mong kumain. Lalo na kapag manonood ka ng Korean telenovela. Mawawalan ka din ng gana kumain kapag nanood ka ng balita (sino bang magaganahan sa puro bad news?).
Pampapayat tip # 3: drink plenty of water (while eating)
pwede din coke o kaya juice pero tubig nalang para iwas sugar o added calories. Bakit kailangan may tubig kapag kumakain? Para madali kang mabusog. Yun lang, kailangan ko pa bang ipaliwanag?
At para sa ating huling tip. . .
Pampapayat tip # 4: eat anything you want. . .
Wait! . . . In moderation. Kailangan ng katawan natin ang sugar, sodium, caffeine at iba pang bagay na nale-label as “unhealthy” pero mga dudes, kailangan din natin maging matalino sa pagkain ng mga bagay na ito. Sabi nga “to much of something is bad . . .” not to mention nakakaimpatso.
so yun lang. sana naging helpful ang aking tips. Hehe! Wag din kalimutan na magpahinga at mag-exercise para kumpleto ang ligaya.
current mood: feeling dalubhasa.

5 comments
Comments feed for this article
December 3, 2008 at 6:37 am
Chique
Coke? Gusto ko yan!
May 19, 2009 at 12:59 am
Glenn
ok yan.. thanks
June 29, 2009 at 5:04 pm
lethe
ok yang mga sinabi mo ah..madaling gawin…. masubukan nga…. mag post ulit ako ng comment dito after 1 month….lets see kung totoo…hehehe…ty!!!
June 29, 2009 at 5:52 pm
yanangski
uy! sige.
gusto ko malaman ang resulta.
AJAH!
December 3, 2009 at 1:52 pm
Sarah
Nice. Pero hindi ako sang-ayon sa TV part. Training ko kasi ay absolutely no TV while eating para mag-usap-usap at magkwentuhan ang pamilya sa hapag-kainan. Pero, shemps, kung mag-isa ka, kawawa ka naman. Sige, manood ka na lang ng TV.
Another suggestion: SAVOR YOUR FOOD. Huwag lapain ang pagkain. Sayang naman ang pagsisikap ng nagluto. Namnamin ang bawat subo. Di ba sa mga patalastas, pagsubo ng artista, sinasara pa niya ang mata niya (o kaya nanalalaki ang mata sa sarap ng pagkain), sabay “Mmmmm!” Tipong “melts in your mouth, not in your hand” effect. Gayahin sila. Mas sasarap ang masarap na pagkain, pramis.