Para sa aking mga kapamilya, kaibigan at fans

September na naman at syempre tulad ng ginagawa ko taon taon, nagsusulat ako ng isang blog post para sa aking mga mahal sa buhay. NAKS!

 

Itong post na ito ay ang aking “happy birthday wishlist” nyahaha! Sige na pagbigyan nyo na ako, minsan lang ako maging selfish. Hehehe! 

 

O sya! Wala nang patumpik-tumpik pa! simulan na ito! 

 

Wishlist numero uno: Moleskine

Bilang isang maarteng artist nararapat lang na magkaroon ako nito. Sa mga hindi nakakaalam kung ano ito, ang moleskine ay isang mamahaling notebook. Nagkakahalaga ito ng Php 798 hanggang sa Php 1000+ depende sa laki at gamit. Bakit ito mahal? Sinasabi na ito daw ang klase ng notebook na ginamit nila Van Gogh at iba pang tanyag na artist noon. Maganda din ang pagkakagawa nito at maganda ang klase ng papel na ginamit. Kung gusto nyo pang malaman ang tungkol sa maarteng notebook na ito click this.

Maliit man o malaki kahit ano ok sa akin. Pero ok din kung meron akong isang maliit at isang malaki. hehe

 

Wishlist numero dos: “Kumpas” album ng Philharmonic

Dahil mahilig ako sa strings at band music (ng konti) ito na marahil ang pinakaperfect album na may kombinasyon nitong dalawa.

Kung hindi nyo pa ito napapakinggan click nyo ito.

 

Wishlist numero tres: Mac book

Dahil mababaw lang naman ang mga gusto ko sa buhay simple lang naman ang aking kahilingan at isa na rito ang Mac book na may leopard na OS, at may CS3 creative suite na nakainstall. Yun lang. ayoko naman ng Mac Air.

 

Wishlist numero kwatro: Kwarta

Cash. Kaya nga ako napupuyat ngayon para kumita sa sideline. Pero sinong may sabi na hindi ka din pwedeng kumita kapag birthday mo diba? Madami akong plano para sa buhay at isa na dun ang umikot sa mundo.

 

Wishlist numero singko: Wish para sa wishlist ko

Naway matupad lahat ng nakasulat sa “happy birthday wishlist” ko.

 

 

At bago ko tapusin ang aking wishlist, let me pray for you:

 

Lord bless my friends and family so they can bless other people and that includes ME *on my birthday*. Thank you Lord!

 

Amen!!!

 

 

  current mood: excited sa birthday

One thought on “Para sa aking mga kapamilya, kaibigan at fans

  1. Pingback: Anung nangyari sa aking 2008 birthday wishlist? « coffee cup adventures

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s