dahil hindi ako namumura… (lessons in life)

madami ka din natututunan kapag galit ka, kapag iniisip mo muna ang iyong gagawin bago ka sumabog, kapag bibigyan mo ang sarili mo ng “panahon” para lumiit ang butas ng inyong ilong.

hinga anatotski… tao din sya tulad mo – pumapalpak ang utak.

ito ang mga natutunan ko sa proseso ng pagiging (ahem) asar.

1) asarin mo ako mababatukan kita. inisin mo pa ako gigripuhan* kitaaaa!!!

nalaman kong hindi ko yun kaya sa totoong buhay. sa imahinasyon ko oo at sa drawing pwede. bakit? malay ko, so far nagawa ko palang na marahas kapag galit ay magbali ng lapis (isang lapis nabali ko into 6 pcs). pfft! kala mo naman mala hulk ang lakas…

pero baka magawa ko nga sa totoong buhay ang manggripo ng tao… who knows? gusto mo subukan?

2) hindi ka pasasayahin ng mundo at ng mga tao sa paligid mo

alam ko na ito dati pa. nabibigyan diin lang. palagi. sa iba’t ibang panahon at pagkakataon.

3) nalalaman mo kung mature ka o hindi pagkatapos mong magalit.

hahahahahaha… haha… hay… yun lang masasabi ko… next!

4) hindi ako mabait.

i’m still a work in progress. buti nalang at may grace.

nashare ko itong munting topic na ito tungkol sa anger management dahil madami tayong mapupulot na aral, hindi man sa blog na ito kundi sa ating personal na buhay. iba ibang reaction natin kapag nagagalit, meron taong na masmabait at meron masmabangis. pero kung anuman yun, sana mula sa matinding galit na iyon maslalo tayong maging mature.

lumaki na tayo mga dudes, tama na ang tantrums hindi na tayo bata.

 

*gripuhan – (pandiwa) galing sa salitang ugat na gripo. ito ay ang pagdaloy ng dugo na animoy gripong bukas. matatamo lang ito ng taong matindi ang sugat (saksak) sa katawan.

 

 


really-tiredcurrent mood: feeling ewan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s