Malamig ang simoy ng hangin

5:30 AM Saturday. Ang araw kung kailan masmaaga pa akong gumigising kesa sa weekdays. Ang araw kung kailan naglalakbay ako patungong Parañaque (galing QC) para sa orchestra practice.

 

Sabi ni Newton ang gravity daw ay constant — 9.8m/s^2 if not mistaken — pero naniniwala ako na nagbabago yun kapag December, maslalo na kapag madaling araw. Bakit kasi ang hirap labanan ang gravity kapag gumising sa madaling araw? Pati eyelids ko ang hirap imulat. Parang ang buong katawan ko ay hinihilang pabalik sa kama.

 

Pero kailangan labanan. Bumangon na ako at nag-unat (nakakatulong daw ito labanan ang pull ng gravity). Kinuha ang towel at bumaba na para maligo.

 

Malamig sa loob ng CR. Walang shower dahil mahina ang tubig. Wala rin water heater. Binuksan ang gripo. Icy water ang lumabas. Ayoko na magpainit ng tubig kasi matagal yun. Pero sa tagal ng tinitig ko sa icy water na ipangliligo ko, sana pala nagpainit na ako (hindi pa gumagana ang katalinuhan sa mga oras na yun).

 

Inangat ang tabo sa ulo. Binuhos ang tubig na dumaloy sa ulo, balikat at likod. Sabay napahiyaw ng . . .

 

 

HAH-LELLUJAH!!!!

 

 

Syempre di pa nagtatapos dun ang aking kalbaryo. Kailangan ko pa uling magbuhos ng isa pa. at isa pa, at isa pa. magsabon at magshampoo. Magbanlaw. Sunod sunod na buhos ng malamig ba tubig sa manipis kong katawan. “Ayoko nang maligo! Sana pusa nalang ako!!!” hiyaw ng aking utak.

 

 

At sa wakas. Natapos din akong maligo. Natapos ko din ang buong “halellujah chorus” ni handel sa banyo. At mukhang naabot ko ata ang soprano part ng hindi ko namalayan.

 

 

Bukas magpapainit na talaga ako ng tubig.

 

 

 

 

shocked current mood: shocked pa rin sa icy cold water.

5 thoughts on “Malamig ang simoy ng hangin

  1. I feel for you. Sa Antipolo its a written rule to heat your water first if you plan to take a bath at 5:30 in the morning (kasi naman! ano bang naisip mo??). I tried minsan at na-freeze talaga ako. Exage talaga ang weather ngayon…hay

  2. Pingback: Paano maligo kapag malamig ang panahon « coffee cup adventures

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s