All you need is love

Malapit na ang valentine’s day, nararapat lang siguro na magpost ako tungkol sa pag-ibig. Kung nabasa nyo yung aking previous blog alam nyo na muntik na ako magkipag-break up sa aking boyfriend (viola). Masalimuot na pangyayari, malapit ko nang talikuran ang pag-ibig ko sa musika.

Binisita ko ang unang orchestra na pinasukan ko, kinausap ko ang aking violin teacher. Hihingi dapat ako ng payo sa kanya kung dapat ko na bang kalimutan ang pagtugtug ng viola at isauli nalang sa kanya si mr. darcy. Pero hindi payo ang nakuha ko, kundi ang pagbuhos din nya ng kanyang frustrations sa orchestra. Sabi nya hindi nya na daw alam ang gagawin nya sa orchestra, hindi naman kasi lahat gustong tumugtog, yung iba tinatamad lang daw. Sa limang taon na nakalipas nung binuo nya ang PYO (Praise Youth Orchestra) limang mahuhusay na estudyante lang ang nakuha nya.

 

Violin 1 – Daniel

Violin 2 – Charity (o si faith ata yun, nalimuts ko)

Flute – Faith (o si charity ata, er… magkapatid kasi sila >_<)

Cello – John

Viola – Ana (uy! Ako yun! haha!)

 

Mahusay? Ako?! E malapit ko na ngang talikuran ang lahat dahil sa naffrustrate na din ako! Alam ko din kung skills lang ang pag-uusapan walang akong pwedeng ipagmayabang. Hindi ko na pina-elaborate sa kanya kung bakit nya naisip o narinig na magaling ako. Nakinig nalang ako sa kanya. Hindi nya diretsong sinabi pero ang bottom-line kung bakit nya napili kami na nabibilang sa mga magagaling nilang estudyante ay dahil sa isang bagay na hindi makikita sa iba at yun ang pag-ibig. Ang di matatawarang pag-ibig sa musika at pagtugtug.

Si Daniel ay mag-aapply sa UP at UST college of music. Sabi nya kung di daw sya papasa mag-aapply sya uli sa susunod na taon. Desididong bata.

Si violin2 (yun nalang itawag natin sa kanya) nagppractice araw-araw ng mahigit 30 minutes to 1 hour. Isa rin desididong bata.

Si flute ang kanyang kapatid ay ganun din. At nageenjoy sya talaga sa pagtugtug (maririnig mo naman).

Si John, present lagi sa mga practice sa PYO. Masunurin na estudyante ng isang terror instructor. Kung ganun guro ko di na ako aattend ng lessons. Desidido talaga syang matuto.

Ako… ako? Desidido ba talaga ako? Bumalik ako sa aking kwarto, walang instructor na nag-aantay sa akin. Binuksan ang aking clear book, hinanda ang aking sarili para tumugtog. Napaisip ako, tumagal ako ng tatlong taon sa pagtutugtog ng viola. Mahigit isang taon na walang personal na guro para susubaybay sa akin. Paano ko natiis yun? Tumutugtog ako at nagppractice hindi dahil dapat kong gawin yun, kundi gusto kong gawin yun. Patuloy pa rin akong nabibighani sa tunog na maaring pwedeng mailabas ng viola ko.

Pag-ibig. Ang di matatawarang pag-ibig sa musika.

Bago umuwi nagpatulong ako sa isang guro. Si teacher Guidong na violin teacher, nagbigay sya ng panahon turuan ako kahit hindi talaga sya bihasa sa viola. Nagpapasalamat ako sa kanya, at binigyan nya ako ng panahon para turuan.
Pauwi, kasabay ko si Pichie. Nagsisimula palang sya tumugtog ng violin. Pero makikita mo sa kanya na sobrang kinikilig na sya kahit pagbobowing palang lessons nya. Kapag nagsimula na syang tumugtog at consistent sya magpractie, hindi malayong masgagaling pa sya sa akin.🙂

Hay. . . Pag-ibig. Ang di matatawarang pag-ibig sa musika. Ito lang marahil ang pwede kong ipagmayabang at ipagpasalamat sa Kanya.

 

 

Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for men . . .                                                            

Colossians 3:23

 

 

 

Tuzki Bunny Emoticon  current mood: umiibig

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s