Malapit na akong ma-expire

Ayokong magpost ng seryosong blog. Pero seryosong usapan ito. Huminto muna at bigyan ng konting pansin ang aking sasabihin.

 

Nalaman ko na kakaunting araw nalang ang itatagal ko sa mundong ito.

 

Ako ngayon ay 25 anyos. Kung bibilangin sa araw, lumalabaas na nabubuhay ako sa mundong ito ng 9,131 na mga araw (kasama na dun ang leap year). At kung mabubuhay ako ng 75 na taon — na may 27, 393 na mga araw — ang natitira nalang sa akin para mabuhay ay 18,262 na mga araw. At sino din makakapagsabi na mabubuhay nga ako ng 75 na taon? Baka masmaikli pa.

 

Nagdaan na ang mga oras, imiiksi na rin ang pisi ng aking buhay. Tanong ko sa aking sarili: Paano na ako mabubuhay ngayon? Hindi ko na aantayin ang panahon na magiging huli na ang lahat para baguhin ko buhay ko. Hindi ko na aantayin pang sayangin ko ang buhay ko sa walang makabuluhan na bagay tulad ng pagligo (joke).

 

Higit sa lahat hind ko na rin sasayangin oras nyo sa pagbasa ng blog ko. Pero bago kayo umalis hayaan nyong sabihin ko na mahal ko kayo. Kaya gusto kong ipaalam sa inyo na maikli lang talaga ang buhay natin.

 

Sa aking pamilya: walang sawa ko pa rin kayong mamahalin.

 

Sa aking mga kaibigan: mamahalin ko din kayo at kahit magsawa ako, pipilitin ko na hindi.

 

Sa aking crush: (hala ito na) nalaman kong hindi na pala kita gusto. Sorry, mag-move on ka na.

 

Para sa akin magiging asawa: Bakit ang tagal mo? Gusto ko rin magkaron ng anak noh! >_<

 

Teach us to number our days aright, that we may gain a heart of wisdom.       Psalm 90:12

 

 

punas-mata  current mood: understanding full well the brevity of life.

2 thoughts on “Malapit na akong ma-expire

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s