Super ispeysyal Araw ng mga Puso blog post

Ang araw ng mga puso o maskilala sa tawag na balentayms day, ang araw kung kailan natutuwa ang mga lovers at naiinsecure ang mga single. Dahil sikat ang araw na ito sa Pilipinas hindi maikakailang nagsusulputan ang iba’t ibang love story—yung iba ay masaya, yung iba naman ay sana kalimutan nalang.

Tignan natin ang storya ng tatlong nilalang na naipit sa tinatawag natin na trayanggulong pag-ibig (love triangle). Dahil ito ay hango sa totoong buhay (at akala natin sa teleserye lang), itago nalang natin sila sa pangalan na Margarita, Conchita at Fabio.

Isang araw masayang nakikipagkwentuhan si Margarita kasama ang kanyang mga kaibigan. Nang may dumating–si Fabio. Pinakilala si Fabio sa mga magkakaibigan, friend of a friend kung baga. Biglang nagningning ang mga mata ni Margarita, nainlab kagad ito kay Fabio. “tibok, tibok” pintig ng kanyang puso.

Gusto lagi makita  ni Margarita si Fabio. Kaya madalas itong nakikipagkita sa kanyang mga friends at friend of a friend. Siyempre para hindi sya ma-OP (out of place) ng tuluyan. Sinama nya ang kanyang best friend na si Conchita. Si Conchita na walang kaalam-alam sa mga motibo ni Margarita, ay sumama. Nakipagfriends din sya at nakilala din nya si Fabio. Biglang nagningning ang mata ni Fabio at nainlab kay Conchita. Hala, ito na ang problema.

Si Margarita ay may gusto kay Fabio. Si Fabio may gusto kay Conchita. Si Conchita . . . ipagpatuloy natin ang kwento.

Dahil bigs times ang pagka-inlab ni Fabio kay Conchita, gusto nya ito madalas makita. At dahil best friend ni Conchita si Margarita nakikita nila pareho si Fabio. Nakikita din ni Margarita na parang may gusto ito sa kanyang best friend! O kay sakit! Parang ini-slash ang puso ng 1000 times!

“tibok, tibok” sabi ng naghihinagpis na puso ni Margarita.

Hindi na sinasama ni Conchita si Margarita sa kanyang pagtatagpo kay Fabio. Si Margarita ay labis na nasasaktan, nawalan na sya ng crush nawalan pa sya ng best friend. Nabalita na nagkatuluyan na nga si Conchita at Fabio. Pero bali-balita palang yun. Paano na si Margarita? Mahal ba ni Conchita si Fabio?

ABANGAN!

Actually hindi ko pa alam kung paano matatapos ang kwento, dahil hindi pa ito tapos sa totoong buhay. Pero kung nayamot na ako sa conclusion, baka mag-imbento nalang ako ng ending. Kayo may naisip ba kayong katapusan nito?

DISCLAIMER: hindi po ito inspired sa sarili kong buhay. Hindi ako si Margarita o Conchita at higit sa lahat hindi ako si Fabio! >_<

 

 

Tuzki Bunny Emoticon  current mood: nagmamadali dahil baka malate ako sa pupuntahang concert.

5 thoughts on “Super ispeysyal Araw ng mga Puso blog post

  1. Pingback: Super ispeysyal Araw ng mga Puso blog post (part 2) « coffee cup adventures

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s