The Orchestra: A Family

After 10 months of practice, finally natapos din ang concert. Hay. . . 40 na sabado na bumabiyahe mula Quezon city hanggang Parañaque bitbit ang aking viola (minus yung absents ko syempre). Ten months, ng pag-aaral ng piyesa at pagbabasa ng nota, natapos yun nung sabado (march 7) sa concert namin.

Bago ang Big Night may ilang kaming mga practices na sana ibaon nalang natin sa limot. Yung tipong hindi nalang sana ako pumunta. Nakakalimutan namin ang aming parts, hindi sumusunod sa beat at cue ng conductor. Minsan masyadong mabilis ang 2nd violin, out of tune naman ang 1st violin, takot naman ang cellos, natutulala ang percussions at totally lost ang violas (our section). Pero dahil sa mga bad times na yun something wonderful happened—somehow we, the orchestra, became a family.

Nung mga last weeks na ng practice namin our conductor, kept on reminding us that we are a family. Kahit ayaw naming yung idea na yun at kahit ayaw namin ang aming standmate wala kaming magagawa isa kaming pamilya. At tulad ng isang tunay na pamilya, minsan ayaw mo yung kapatid mo, minsan asar ka sa parents mo. Wala kang magagawa hindi mo pinili pamilya mo, at kung hindi mo sila mahal dapat mo nalang gawin ay tanggapin sila at tulungan sa abot ng iyong makakaya.

Hindi ko pa sila lahat nagiging ka-close, konti lang at yun yung mga nakakasama ko sa lunch after pratice mostly from the first violin, si nikki ang aking standmate (well dalawa nalang naman kasi kami) at ang aming conductor (dahil ka-age ko sya), minsan din kasama ang mga co-teachers niya na si Lyndon and Jonas. Kung hindi ko na explain before, ang orchestra namin karamihan ay elementary, highschool at college students, ilan lang kaming nasa twenties. Minsan nakakausap ko si Jael, isang, elementary student from the 2nd violin section, sa YM. Madalas nagfflood lang siya ng emoticons at nagugulat ako sa pag-buzz niya sa akin. Hehe! He’s still a kid though so I don’t blame him. :p

Last two Saturdays ng aming mga practices, iniba ko ang aking mga lunchmates. Sumama ako sa mga people na matagal ko nang kasama pero hindi ko pa nakakausap. Nung una awkward kasi di ko talaga sila kilala. Kasama ko yung mga young ladies ng 2nd violin at mga kiddies ng 3rd violin, together with the 2 college students from the percussion section. I tell you riot yung combination na yun! I was laughing because most of the kids are throwing witty (yet sarcastic) comments at each other. I later discovered that some of them are bloggers—Mara and Mico. Late ang lunch namin dahil late ang delivery, pero ok lang (well at least for me) kasi naaliw ako sa mga kasama ko. That same Saturday we performed at Pergola [mall], it was one of my let’s-forget-about–the-whole-thing performances, and on my way home I caught myself unconsciously humming the “funeral march”. Hehe. But somehow the whole experience wasn’t so devastating. Why? I was with my family—the orchestra family. Di ako nag-iisang sawi.

Dumating na ang sabado, ang concert night. Final practice, well not really, more like a trial run of the actual performance, we are on the stage and my hands are as cold as ice (not to mention wet). May mga ibang songs na so-so lang ang pagtugtog (walang uhmf!), late ang vocalist at palpak na naman ang “Amen”. Gusto kong tumakas o kaya sabihin sa conductor na wag nalang tugtugin yun, pero na sense niya naman na di talaga kaya iperform ang Amen that night so inalis siya sa line up. Pero tuloy pa rin ang laban!

Lunchtime, iniwan ko na ang aming aligagang conductor at sumama sa ibang “family members” mga guys sa percussion section kasama ang bass guitarist at isang 1st violin. Dun ko nakausap si Marco. 2nd year ko na syang kasama sa orchestra pero ngayon ko lang sya talaga “nakausap”. After lunch nagpractice kami, string quintet, 1 cello, 3 violins at isang viola Hehe! Tapos nilapitan ako ni marco at pinaulit sa akin ang “somewhere in time” inayos nya ang fingering ko at nilagyan niya ng tape ang aking viola. Tapos kinuha nya ang aking music sheet at nilagyan ito ng markings. Aba! Nakuha ko ng tama yung mataas na part! Sa 10 months ng practice walang naglakas ng loob magsabi sa akin na mali ako kundi ang aming conductor. Si Marco palang, na masbata sa akin, ang nakagawa nun at di lang niya sinabi na may mali ako, tinulungan niya pa ako. I really appreciate what he did.

That night our performance was amazing! Di lang kami tumugtug para lang matapos ang gabing yun, we gave our best. We directed our hearts, our music towards the One who created music. God was the one who orchestrated everything. He was the One who chose our conductor to, not only, conduct us but to teach us. He was the One who called the musicians to be part of the orchestra. He gave us music and the talents that we have.

Fast forward 25-30 years from now, ill look back at this event in my life. I’ll remember how it felt when I played in front of my friends and love ones. I’ll look back and remember how it was to perform with my orchestra family on stage, the 10 months of practicing with them and how God was honored that night.

 

the-orchestra1

the-orchestra-21

 

 

If you missed our concert here’s a more detailed account of our performance: Songs of fire, songs of light (conductor’s point of view)

 

 

 

snooze current mood: soooo sleepy!

One thought on “The Orchestra: A Family

  1. Pingback: 2009 Year-End Report « coffee cup adventures

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s