Kumapit ka at sunod-sunod to!

Sabi nila kapag dumating daw ang pagsubok sunod sunod ito, parang alon na humahampas sayo. Manatiling nakatayo kung ayaw mong maagos ka sa karimlan

Pero sa kabilang dako naman ganun din ang biyaya—sunod sunod ito kapag bumuhos. Hayaan nyong isalaysay ko ang aking karansan.

Nabanggit ko sa aking nakaraang blog na ako ay nag-aaply ng US visa. Pero bago ako mainterview syempre kailangan ko munang bumili ng application form at asikasuhin ang aking mga dokumentos. Alam natin lahat na gastos yun. Napaisip ako kung san ko pupulutin ang pera pang-apply, aba, 6K mahigit din yun!

Dumating ang September, birthday month ko, may nagbless sa akin. Pangako ko sa kanya na hindi ko babanggitin ang kanyang pangalan. Nilapitan nya ako sa aking desk at binigyan nya ako ng liham. Isang birthday card na may nakalakip na $100. Nahulog pa nga yun kasi di ko naman alam na meron nakalagay na pera dun, nagtaka pa ako kung san galing yun, kulang nalang tumingin ako sa langit.

Nakalagay sa liham:

Dear Ana,

I thought this might come in handy for your US visa application. . .

Oh and happy birthday in advance!

Hindi ko inaasahan yun! Sabi ko sa Panginoon, kung sa visa application ko palang ikaw na ang nagprovide malamang sa interview pasado na ako. Umiral ang faith. Pero sa totoo lang habang papalapit ang interview kinabahan na ako ng todo. Pero bumabalik ako sa pangyayarin na nakita ko Sya ang gumalaw sa sitwasyon ko. At syempre laging pinapaalala ko sa sarili ko ang psalm 2:8:

Ask of me, and I will make the nations your inheritance, the ends of the earth your possession.

Araw ng intrview, alam na natin ang conlusion—pumasa ako sa interview. Walang masyadong inungkat sa aking mga *ahem* ari-arian. Kung titignan ang lahat ng anggulo pwede akong ma-deny, single ako, nasa mid-twenties, walang anak, at graphic artist. Pero sobrang nabiyayaan ako at binigyan pa ako ng multiple entry, pwede ako magbyahe sa US ng sampung taon!

Madami pang mga biyayang dumating na masyado nang mahaba para isalaysay. Umaapaw ang favor at blessing sa akin buhay ngayon. Nagpapasalamat ako sa Diyos, dahil alam ko na hindi ko ito sinikap, binigay Niya ito sa akin.

Kumapit ka Anatotski dahil sunod sunod pa ito. 

 

 

barfing  current mood: nahihilo…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s