Celebrating 20 years of my robot fascination

Alam ko nung bata ako na kapag Sabado ng umaga sunod sunod na ang mga cartoons sa TV. Sa pagkakatanda ko mga 60% ata ng cartoons noon ay puro robots—astro boy, voltes V, voltron, daimos, transformers at madami pang iba na nakalimutan ko na. Sa hapon naman may bioman at shaider: pulis pangkalawakan. Nanood din naman ako ng ibang cartoons tulad ng smurf at carebears, pero iba pa rin talaga kapag lumabas na ang mga robot cartoons, para kaming mga adik magkakapatid sa TV.

Mapapansin na karamihan nito ay mga Japanese cartoons. Ang laki talaga ng impluwensya sa akin ng Japanese art. Nung bata ako hilig namin ni ate kumuha ng mga sipit sa sampayan, ginagawa namin itong robot na tulad ng sa voltes V. sisigaw kami ng VOLTES FAYVAH!!! Sabay awit ng voltes V theme song “tatoe arashiga futoto wa. . .” tapos pagkakabit-kabitin ang mga sipit. Alam ko napagalitan kami ng lola ko dahil dun, pakalat kalat kasi yung sipit at naapakan nya. Sa daimos naman, crush ko si Richard at pangarap ko rin magkaroon ng pakpak tulad ni Erica kinakanta din namin ang theme song nun “moyase moyase na ka ne moyase. . .”  sabay suntok suntok sa hangin.

Umiyak ako sa isang episode ng astro boy nung meron syang isang kaibigan na babaeng robot, sa pagkakatanda ko nun namatay ito dahil nakuryente ata sa kidlat dahil hinabol nya si astro boy.  Saklap. Sa hapon naman kapag pinalabas na ang bioman nagtatransform na rin kami nila kuya. Siya si red-one, si ate si pink-five at ako naman si yellow-four. Masgusto ko talaga si pink-five dahil masmaganda sya pero nauna si ate, kaya ayun si yellow-four nalang ako. Kapag nagpo-posing na sila sa TV at binabanggit ang pangalan nila: Red-one! Green-two! Blue-three! Yellow-four! Pink-five! kami rin ay paposing posing na rin sabay sipa sa hangin. Pagkatapos ng bioman susunod na ang shaider, may kasunduan kami ni ate na sa kanya si Alexis at akin si Shaider. Masgusto ko siya kapag naka-costume. Ewan ko ba, mahilig talaga ako sa robot.

Dinala ko ang pagkahilig ko sa robots nung highschool. Alam ko na may ginawa akong comics na may robot nun, pero di ko na makita ngayon yung comics ko, at di ko natapos ang storya, syempre naimpluwensyahan uli ng anime—Megazone two three ang feel ng comics kong yun. Nung college naman may nakakilala akong mga taong mahilig din sa mga robots gaya ko, yung isa binigyan ako ng drawing nya at ginawa ko itong 3D.

in-progress

hindi ko natapos kasi hindi ko alam kung paano gamitin ang blender sa mac

Trip ko naman panoorin nun ang Sakura Wars. Nung napanood ko naman naman ang Transformers last year sobrang ligaya ko nung narinig ko uli ang mapamosong sound effect nila kapag nagttransform!

Ngayon binalikan ko lang ang aking pagkamangha sa mga robots nung napadaan ako sa isang Toy Convention. Daming toys!!!! Daming mga robots! Mula Gundam hanggang Evangelion, eek! kakatuwa! At dahil natuwa ako sa mga nakita ko gumawa ako ng WALLPAPER! Haha! Oo na adik na kung adik!

Hindi pa ako nagkakaron ng panahon para mapanood ng tuloy tuloy ang Gundam Wing pero bumili naman ako ng action figure noon at binuo ko ito.

Di ko na pahahabain pa, ito na ako aking sariling version ng gundam. Oo na at black na naman ang background!😄

gundam2

batteries not included

 

Next time gagawa ako ng colorful wallpaper, my friend asked me to draw an “alice in wonderland” inspired tea party scene. Meron na, kukulayan nalang. Hehe! ^_^

 

no-no1  current mood: me wants to finish my other pending artworks.

 

2 thoughts on “Celebrating 20 years of my robot fascination

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s