Inday goes to America: Packing tips

Ako si Anatotski aka Inday, nabigyan ng pagkakataon na magbakasyon sa Amerika ng isang buwan. Hindi trabaho, hindi training, at higit sa lahat hindi ako maghahanap ng boypren. Wag din kayo maghihinala na ako’y buntis kaya pupunta sa malayong lugar (hay! showbiz)! Anung pakay ko? Bibisitahin ko ang aking kapatid na nasa Texas (bonding baga). Yahoo!!!

Pero bago ang lahat syempre kailangan kong mag-impake. Itong prosesong ito ang pinakaayaw ko sa lahat. Hay! Syempre isang buwan ako dun at kailangan kong paghandaan ang aking mga dadalhin. Syempre hindi lang gamit ko ang dadalhin ko pati rin mga pasalubong. Kaya binigyan ko ang sarili ko ng 1 week allowance para mag-impake. Excited? Haha! Di naman. . . *pa-shy effect*

Sasakay ako ng erfleyn (airplane) at sa pagsakay meron silang baggage limit. Sabi ng aking ate icheck ko daw sa airline na sasakyan ko ang kanilang baggage requirements, sukat, timbang, heksetera, heksetera. Kaloka! Nanghiram pa ako ng timbangan sa fruit stand ng kapitbahay at panukat ng aming suking mananahi!

Tulad nga ng nabanggit ko magdadala din ako ng pasalubong ko sa kapatid ko sa Amerika, ngunit subalit may mga bagay na hindi ko pwedeng dalhin. Tulad ng inaasam nilang hilaw na mangga, sampaloc, sariwang isda, at hipon (balita ko kasi frozen at walang lasa seafood dun). Mahaharang daw ako sa customs at baka pabalikin ako sa Pilipinas. Kaya nagdala nalang ako ng dried mangos, pampaasim na powder, at century tuna.

Op cors sa pagbyahe kailangan magdala ng damit, pwede naman na hindi kung sanay kang hindi naliligo ng mahigit isang buwan. Pero hindi ako ganun at hindi ko kaya mag side A-side B ng damit kaya magdadala ako. Bilin sa akin ng aking kapatid na para hindi masyadong madami ang aking dadalhin magdala lang ako ng sapat na damit para sa pitong araw. Pwede naman kasi maglaba si Inday diba?

Kaya ayan nailagay ko nang lahat, ang pasalubong at ang mga damit sa maleta. But hu-wait!! What eez diz? Hindi kasya!!! (Hinga inday wag nang dalhin ang picture preym (frame) at album nyo ni *dudung) But no! masikip pa rin! Napag-aralan ko pala na masnakakatipid sa space ng maleta ang pagrolyo ng mga damit. So nirolyo ko lahat pati ang mga de lata.

Ayan! Kasya na lahat! Ready to go na ako! Wag kakalimutan ang passport! *kindat*

Sundan nyo ang aking travel. Next post ang aking erfleyn adventure. Hihi! Balita ko mahigit 20 hours daw travel ko. At ako lang mag-isa! Hay kalerki! I will miss you dudung!

 

*si dudung ay kathang isip lang para masabing may lablayp si inday. Kung meron kayong taong naiisip malamang hindi sya yun.

 

 

hands-in-the-air  current mood: sobrang excited!

4 thoughts on “Inday goes to America: Packing tips

  1. Friendly Tip:

    Never talk to stranger. He could be the Boston strangler or Attila the hun or Jack the ripper lurking at NAIA.

    Remember me, if not, I remember your blog.

    Are you still game? Will you still help me with my blog?

    Ciao

    • hey mitch! thanks for the advice. haha!😉

      yup ill still help you with your blog. if you have any questions just email me.😉
      (questions are good so i know how to help you)

      by the way if you’re planning to move to wordpress that’s even better.😉

  2. Ya…..,

    How do you like Texas? Have you seen a cowboy yet?

    When you say email you, what do you mean? I don’t know your email address or are you referring to writing comments in your blog. Clarify pls.

    • hi mitch! yes, im liking the place.🙂 so far i haven’t met any cowboys yet. hehe! i’ve also had a chance to visit florida and will go to new york by next week.🙂

      im excited!

      about your question: ill just email you. hehe.😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s