Inday goes to America: leaving on a jet plane (part 2)

I Anatotski aka Inday ay napasabak sa inglisan sa eroplano. Kung hindi nyo nabasa ang unang parte ng storyang ito click here.

So papalipad na nga ako patungong Houston (pero hindi ito ang final destination). Meron pa akong isang connecting flight patungong Dallas, pero mamaya ko na ikkwento yun.

So nakaupo na nga ako sa upuan ko na malapit sa bintana, isa na naman itong 7 hrs flight. Napansin ko na yung katabi ko ay may kausap sa celpon nya. Umiiyak sya at nagpapaliwanag. Hmmm parang kausap nya ata boypren nya (bigla kong naalala si dudung). Iyak sya ng iyak at sabi ng sabi na “I miss you”. Gusto ko sanang kausapin pero at ipatahan pero ayoko kasi di ko alam baka ayaw ng mga amerikano ng ganun, alam mo na. . . so pinabayaan ko sya. Nagbasa nalang ako ng libro.

Makalipas ng madaming oras, kinausap nya ako, o syaks!!! Ito na!!! *naglalabas na ako ng tissue*

Ang mga susunod na pangyayari ay natranslate na ayon sa pagkakaintindi ni Inday:

Itago nalang natin ang amerikano babae sa pangalang Sunshine

Sunshine: I’m so sorry about wha happen. I was kinda worried I freaked yah out or somethin

Inday: no, its ok *grin*

Sunshine: I was talkin ta my boyfriend y’see. . . at nagkwento na sya kung anung nangyari. Masyadong mahaba at personal kaya di ko nalang isusulat.

Inday: *nose bleed* o I see *grin*

Sunshine: yah. . . so yer from Hawaii? *smiling*

Inday: uh. . . no, I’m from the Philippines actually. Naks! Ito na nakakamomentum na ang inglis ko!

Sabay tawag sa flight attendant “water please!”

Sunshine: wow! I just came from Hawaii ta visit mah brother an’ mah boyfriend. Tapos kwento sya uli ng pag-ibig nilang dalawa. Kung paano sila nagkakilala.

*sigh. . .*

Inday: sigh. . .  *sabay punas ng ilong*

Bigla kong namiss si dudung naalala ko din ang una naming pagkikita sa may Luneta. Naging saksi ang puntod ni Rizal at si mamang kalesa driver sa mga sandaling iyon. *sigh*

Ahem! Balik tayo sa kwento. So yun naging close kami ni sunshine nung mga panahon na yun. Meron kaganapan sa eroplano na akala ko may swine flu kasi may sakit daw ang isang pasahero. Pero di pala, diabetic sya at naging unstable blood level nya. Buti nalang may doctor at nurses sa eroplano. *phew*

Lumapag na ang eroplano sa Houston. Nagpaalam na ako sa kay sunshine. Nagthank you sa akin yung pasyente (akala nya ako yung isang nurse kasi pareho kami ng kulay ng tshirt at mukha din pinay).


Fourth and paynal (final) playt: Houston to Dallas


Hay! Sa wakas isang oras nalang ang aantayin ko! Ganun pala sa US domestic playts, ang pangit ng eroplano! @_@ maliit na at mabantot pa! o baka nagkataon lang.

May nakausap pa ako na mag-asawang amerikano sa airport, tinuruan ko silang magluto ng adobong maenek (manok na slang).

Fast forward dahil pagod na akong magkwento. Naglanding na ang efleyn sa Fort Worth Dallas! YAHOOOO!!!! Gusto ko nang makita ate ko at gusto ko na rin matulog!!

Paglabas ko ng airport humampas ang malamig at sariwang hangin na animoy nasa beach ako. Pero wala ako sa beach at malayo kami sa beach.

Hay. . . anu kayang mga kaganapan ang mangyayari sa akin dito?

Abangan!

 

 

friendship current mood: dumadami ang friendships

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s