Inday Goes to America: Houston. . . we have a Whitney

I Anatotski aka Inday ay may nakausap na couple sa may Houston airport. Actually madami na akong pwedeng ikwento, matagal tagal na rin ako dito sa Amerika at madami nang nangyari. Pero sadyang naibigan ko lang isalaysay itong kwentuhan na nangyari sa akin sa may Houston airport.

Habang nag-aantay ng oras para sa aking sususnod na flight meron akong nakausap na magiliw na mag-asawang amerikano, sina Marge at Pedro. Si marge ang unang kumausap sa akin, syempre napasabak na naman ako sa inglisan nito. *labas ng tissue*

Ngumiti sa akin si marge at sabay tinanong kung marunong akong mag-Spanish. Syempre pakitang gilas si inday at ito ang aking sinabi “un poco” (sabay ngiti). Akala kasi ni marge mexican ako. Hehe! O well di ko sya masisisi kung kamukha ko si Thalia. So sinabi ko na ako ay Pilipino at kakagaling ko lang sa mahigit 20 hrs plane ride galing sa aking bansa. Nagulat sya sa haba ng aking byahe, at sinabi nya na meron din silang kilalang Pilipino. At dito na nagsimula ang aming kwetuhan.

Sabi nya na ang pangalan daw ng kanilang kaibigan ay. . . hulaan nyo. . . kung sinabi nyong “Boy” tama ang inyong sagot (at sa tingin ko may “h” dun sa pangalan nya–Bhoy). Balik sa kwento, nakwento nila sa akin na si Boy daw ay bumisita sa Puerto Rico nung sya ang single pa lang at hindi na bumalik sa Pilipinas, bakit? May nakilala syang Puerto Rican. Nagpakasal at tumira sa States. Haha! Jackpot si Boy! Puerto Rican ang asawa, I bet mukhang pang miss U.

Dumating ang asawa nyang si Pedro at sinabi na baka meron din akong makilala sa Dallas at hindi na rin bumalik sa Pinas. Hehe. So tinanong ako kung bakit ako pumunta sa Texas, sabi ko bibisitahin ko ang aking sister. Sabay tumawa ng malakas si marge at ang sabi nya, nung pumunta sya ng Dallas noon para bisitahin nya ang kanyang sister hindi na rin sya bumalik sa Houston, bakit? Nakilala nya dun si Pedro, nagpakasal at tumira na sa Dallas for good. At ito pa sabi ni pedro, “people meet everywhere, at the grocery store, parking lot, waiting for a taxi cab. . . Who knows, maybe you’ll meet someone.” *taas-baba ang kilay sabay ngiti*

Napatigil ako ng ilang saglit at hindi dahil nagnosebleed ako kung hindi ako’y napaisip. What if. . . ?

Pagkatapos ng ilang segundong pag-iisip pinalitan ko na ang topic sa. . . (wala akong maisip) adobong manok. Tinuruan ko nalang si marge magluto.

Hay. . . nakakatuwa sila. Isa ito sa mga kaganapan sa Amerika na hindi ko malilimutan.

At bago ko tapusin ang blog na ito hayaan nyong idedicate ko ang kantang ito sa mga mahal ko sa buhay.  Miss ko na kayo at malapit na akong umuwi.🙂

*drums*

INDAAAAAAY. . .

Will always love youUUUuuuu. . .

Will always love you. . .

Inday will always. . .

looOOOooove. . .

youuuuuUUuuuu. . . (sustain hangang sa maubusan ng hangin)

*fade*

 

 

Tuzki Bunny Emoticon  current mood: excited na pumuntang New York.

2 thoughts on “Inday Goes to America: Houston. . . we have a Whitney

  1. Anna,

    Did you forget to take pictures like I told you? Cuz, we have not seen one about your trip in the Big USA. Baka naman pina-bobook bind mo pa. Wag na i-blog bind mo nalang.:)

    • hahaha! i have lots of pictures actually, but didn’t post them on my wordpress. you can visit my multiply site, that’s where i put my photo blogs.😉

      here’s my multiply account: yanangski.multiply.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s