Inday goes to America: i <3 New York. . . Cubao

I Anatotski aka Inday ay nagkaroon ng pagkakataon na makapunta sa New York. Lo and behold para syang Quiapo, Cubao, Recto  at Escolta na pinalamig, at kung nakapunta ka sa mga lugar na nabanggit nakapunta ka ng New York.  Pero wag ninyong isipin na hindi ko nagustuhan ang lugar dahil may charm pa rin ang NY. *kindat*

Bago pala kami pumuntang NY pare-pareho kaming walang alam sa nasabing lugar kaya one week bago kami pumunta nagresearch kami. At hayaan nyong ishare ko ang aming experience sa lugar na yun.

 

100 Things you should know about New York:

  • Sa napansin ko, ang New York ay para ring Manila.  Mula sa paglapag namin sa LaGuardia airport hanggang sa papuntang hotel namin samutsaring mga lugar na mahahalintulad mo sa manila. Isa sa mga yun ay ang Quiapo. Kaliwa’t kanan ang mga sidewalk vendors, pulubi at kalat, mga amerikano nga lang sila at mga nakajacket dahil malamig. Simbahang katoliko? Meron din dun!

 

  • Rude daw ang mga tao sa New York? Well depende kung anung ibig sabihin nyo sa salitang “rude” pero para sa akin, okay lang. sanay naman ako sa siksikan sa subway at unahan sa pila at mag-oovertake mga tao sayo kapag mabagal ka. Sanay din ako sa pabarabarang maneho ng taxi drivers at ang traffic rules ay suggestion lang.

 

  • Subway: kung hindi ka maselan sa amoy (dahil amoy itong imburnal) at di ka maarte pwedeng pwede kang sumakay sa subway. Hindi lang isang diretso ang subway may mga sangay sangay ito at pwede ka magtransfer ng train ng libre. Magkano ang pamasahe? $2.00 ang isang card (isang swipe lang yun) pero pwede kang bumili ng unlimited card for 7 days sa halagang $25.00, meron din ata for 3 at 5 days pero nalimuts ko na. maaliw ka din sa subway kasi may mga performers dun. Samutsari performers, depende kung sino maabutan nyo, nung pumunta kami dun saxophone player at napuno nya yung subway ng magandang musika. Hay. . .

 

  • Wag na kayo magtaxi (suggestion ko lang naman yun :p) para sa akin kasi hassle magtaxi dahil traffic sa New York lalo na kapag rush hour. Ang plug down rate ng taxi ay $2.00 at ang succeeding miles ay depende sa araw at oras. Nakalimutan ko na yung rate pero ang naala ko kapag rush hour masmahal.

 

  • Pagkain: kung kayo ay nagtitipid I suggest na kumain kayo sa tabi-tabing food stand.  Meron silang Hotdogs, BBQ, Mediterranean goodies, fishballs, sopas, mane at kung anu-ano pa. malaki ang servings nila at sa halagang $3.00 may pang lunch at dinner na kayo (mapapamahal nga lang kayo sa sopdrinks $2.00 ang isang 500 ml na bote).

Pero kung meron naman kayong panggastos, aba edi kumain kayo sa mga restawran (restaurant). Hindi kami gaanong kumain sa mga resto pero meron akong issuggest: ang Lombardi sa little Italy (ang unang Italian resto sa NY), wag kayong magchinatown resto kung gusto nyong lumigaya, so far wala kaming nakainan na masarap dun. Pero kung gusto nyong sumubok di ko kayo pipigilan (magdala lang kayo ng Imodium) at kung gusto nyo ng dessert at kakaibang ambiance itry nyo ang serendipity (basta dessert lang wag na ang main course, trust me).

 

So dito lang muna at medyo mahaba na. More about New York on my next post, mga lugar naman sa NY ang ating pag-uusapan.

 

 

Tuzki Bunny Emoticon  current mood: nagpadancing-dancing sa galaxy.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s