August 1996

Last July 24 (Friday) Victory celebrated its 25th anniversary and since we’ve (me and my family) been a part of Victory for almost 15 years, I can’t help but be reminiscent.

Hayaan ninyo akong magbalik tanaw sa aking nakaraan. *bubbles, bubbles effect tapos fade. With matching chimes sa background music* wag mag-alala di to ganun kadrama.

Agosto ng 1996 grade five ako nun nung binigay ko ang buhay ko kay Jesus. Ang pagkakaintindi ko kasi noon na kapag mabait ka at matulungin sa kapwa at kapag umaattend ka sa church kasama ng iyong pamilya okay ka na, Kristiyano ka na, hindi pala. Nag-uumpisa ang lahat sa relationship mo kay Jesus, ang pag-acknowledge na hindi ikaw ang magliligtas sa iyong sarili sa mga kasalanan mo kundi si Jesus. Ganun kasimple, hindi mo na kailangan maging matalino para intindihin yun.

Dito na nagsimula ang lahat ng aking adventure. Kung sa pelikulang “star wars” si Anakin ay meron trainer jedi na si Obi-Wan Kenobi na may laser sword, ang inyong lingkod ay dapat meron din (minus the laser sword). Si Belle Hiadan-Antonio at si Jo Anne Belardo-Flores ang aking mentors nun. Sila ang nagturo sa akin ng basics sa pagiging Kristiyano. Sa kanila ako natututo kung paano magpray na galing sa puso, magbasa ng bible at higit sa lahat ienjoy ang relationship ko with God. nakilala ko din si Jeng Cervantes-Gorre na naglead nun ng elementary-high school small group sa Victory QC.

Dumating ang unos sa buhay namin noon at muntik na akong di makapagtapos ng elementary, hindi dahil bagsak ako kundi wala kaming pangbayad sa school. Nag-aaral kasi kami nun sa private school at di na kaya ng parents ko pag-aralin kami dahil sa dami ng gastusin at sobrang laki talaga ng problema noon sa bahay. Lumapit ako at ang aking kapatid kay ate Jeng at nagpapray lang kami para magkaroon kami ng pangbayad sa school kasi kung hindi kami magbabayad, hindi ako pwede mag-exam at di ako makakatapos sa grade 5. Di ko na napigilan at umiyak na ako kay ate Jeng at kay ate Jo, sabi ni ate Jeng na wag daw akong mag-alala kasi God will provide. Nilapitan kami noon ni pastor Manny at kinausap si mommy, sabi nya na pwedeng tumulong ang church sa pagbayad ng tuition namin ni ate at hindi na namin kailangan pang problemahin yun. God indeed provided for our needs at ginamit nya ang church para tulungan kami. Nakakuha ako ng exam, natapos ko ang elementary at high school sa private school na yun at nung college nag-aral sa University of the Philippines Diliman, kumuha ng kursong Fine arts at grumaduate ng cum laude.

Napakaliit lang ng faith ko noon, pero dahil dun natutunan kong magtiwala kay God pagdating sa finances. Minsan dumadating sa buhay ko na parang kulang ang pera ko, pero napatunayan na ni God ng madaming beses na hindi Nya ako pababayaan at dahil dun bakit pa ako mag-aalala?

Madami pang nangyari sa mga lumipas na mga taon pero medyo mahaba na ang aking kwento para sa isang blog post ipapagpatuloy ko ang aking pagbabalik tanaw sa susunod kong post.

*pumasok uli ang bubbles bubbles na may kasamang chimes sound effect tapos fade to white*

 

Tuzki Bunny Emoticon  current mood: nagdadrama.

2 thoughts on “August 1996

    • wow! ibang klase talaga ang ating Panginoon! Siya lang ang nakakapagbago ng ating buhay upang maging mas masaya, progreso at maayos. Naalala ko din dati noong nagdadasal talaga tayo para sa iyong pang-matrikula, nakita ko noon ang child-like faith talaga sa iyo. hahaha! literally and figuratively.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s