August 1996 (part 2)

Ako‘y nagbabalik tanaw sa buhay ko nung nasimulan kong makilala si Jesus sa aking buhay. Agosto yun ng 1996 nasa elementary, payat pero mataba ang puso (Pagbigyan nyo na ako gusto ko lang masabi na may mataba sa akin kahit paano).

Tinutulungan ako noon nila ate Jo at ate Belle sa akin spiritual maturity. At kung sa baby, ako ay sinusubuan palang noon ng mga bagay bagay na dapat kong malaman para maging malusog na Kristiyano. Ito ang tinatawag na one to one (121) training kung saan tinuruan ako about salvation, repentance, faith, prayer at iba pa. sampung topics ang meron noon sa unang edition ng 121, blue pa ang cover. Naalala ko nun nung nakita yun ng isang pastor niloko nya ang kapatid ko at sinabi “meron ka pa nyan? Eh magaganap pa lang ang last supper noon nila Jesus nung nilimbag yan ah!” oo buhay pa rin yung 121 booklet na yun sa bahay.

Kalagitnaan ng 121 pinabili ako ni ate Belle ng sariling kopya at sinabing pagkatapos ng 121 namin ako naman daw ang mag-121 sa mga kaibigan ko. Nagningning ang aking mga mata, medyo kinakabahan pero excited. Nung natapos kami inimbitahan ko sya kasama si ate Jeng para magsimula kami ng small group sa paaralan ko. So pumunta naman sila, nagprayer walk kami, sumunod na linggo pinakilala ko sila sa aking mga kaibigan, dito nagsimula ang aking unang small group. Lumipas pa ang ilang mga linggo na nagkikita kami sa loob ng classroom pagkatapos ng klase, hala! Eto na, nahuli kami ng discipline officer at pinapunta kami sa principal’s office. First time kong mapapunta sa principal’s office!!! Ang sabi ng principal bawal daw ang ginagawa namin, bawal na bawal magpapasok ng taga labas sa school at higit sa lahat bawal magkaroon ng bible study sa loob ng school. sabi pa ng principal na hayaan nalang ang mga estudyante sa kanila relihiyon, bigyan daw sila ng freedom. Sumunod pa rin kami ni ate Belle, hindi na sya uli nakapasok sa school pero sinabi nya na i-121 ko nalang yung mga classmates ko. Kung meron daw akong mga tanong lapitan ko lang daw siya. Kinakabahan ako, kaya ko na ba?

Believe it or not kinaya ko. Dito natin masasabi na ang kakayahan ay hindi talaga nanggagaling sa tao lang, basta willing kang sumunod si God na ang bahala sa iyo. Di nagtagal nung high school nagsimula na rin ako ng sariling small group sa loob ng classroom, nag-121 sa mga classmates at pinagpray sila. Wala na akong balita sa ibang mga nakasama ko sa small group noon pero nabalitaan ko na isa dun—ang pangalan nya ay si Luis—ay nagaattend na rin sa Victory ortigas. Nagkita kami sa bus nung isang gabi at sabi nya na kapag nakikita daw nya ako naalala nya ang church. Tinanong ko kung sino nag-invite sa kanya sa Victory sabi lang nya “Ikaw kaya!” di ko na talaga maalala yun, basta natuwa nalang ako nung nalaman ko na nasa church na sya, wala man ako sa tabi nya ngayon pero alam ko na meron mga tao sa church na pwede syang idisciple at mabigyan ng encouragement na malamang masmakakatulong sa kanya.

Itutuloy.



Tuzki Bunny Emoticon  current mood: excited sa august.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s