August 1996 (part 3)

Theologically speaking kapag sinabing Dark Ages yun ang panahon kung kailan hindi nakipag-usap si God sa mga tao, walang prophets pero madaming false prophets. Buti nalang hindi ko naabutan ang panahon na yun. *phew*

Pero paano kung nakikipag-usap nga si God pero ayaw ko naman makinig? Dito ko ngayon ikkwento ang aking dark ages.

Nagsimula ako sa aking relationship kay God ng maganda, sobrang inspired magshare ng pagmamahal nya at ienjoy lang ang buhay ko kasama sya. Pero ewan ko ba kung bakit pagdating nung college nag-iba ako. Napagod ako, feeling ko lahat ng ginagawa ko para sa kanya ay duty lang. Kailangan nag-121 ako sa iba, kailangan meron akong small group, kailangan mahusay ako sa acads dahil “kailangan” excellent.

Hay. . . nakakapagod.

Umaattend pa rin ako ng church noon dahil kasama ko nanay ko, pero kung hindi malamang pati yun di ko na gagawin. Umaattend pa rin ako ng small group para makipagkwentuhan lang. Ayoko na talaga maging Christian nun! Meron isang araw sabi ko kay God “Lord, ayoko na! pabayaan mo na ako” after 5 seconds, “ay Lord binabawi ko yun, alam mo naman na wala akong kwenta kapag wala ka. Pero God napapagod na talaga ako. Pwedeng wag muna ako magdisciple at tumulong sa church? Pwede ko ba munang gawin ang gusto ko at magsaya lang muna sa college?” God didn’t send His wrath against me when I said that. He didn’t say “you ungrateful selfish little girl! After all that I did for you, this is how you’re going to repay me?! Taste my wrath!!!!” *thunder bolts*

Nope. Instead God didn’t say a word.

Dito na nagsimulang tumigil ang aking spiritual maturity. Umaattend pa rin ako ng church at ng small group, at walang may alam na may problema ako. Accountability? Anu yun? Isa akong hypocrite, sa labas ok akong kristiyano sa loob hindi. I never shared my life to anyone, less share my faith. Alam ko na kinakausap pa rin ako ni God, pero ayoko makinig. Sarado tenga ko, sarado puso ko. Sila nalang Lord, wag na ako. Nagpatuloy ang buhay kong ganito pero naiisip ko na parang ang boring ng buhay ko at tuwing pupunta ako sa church nahihiya ako makipag-usap sa tao, pumasok na ang insecurity. Feeling ko bumaba self worth ko at kung baga sa basketball ang role ko ay ang dakilang bench warmer.

Summer ng 2006 pinakinggan ko na si God, tapos na college life ko noon at maghahanap na ako ng trabaho. Kailangan ko na ng direction galing sa Kanya, at ito ang sabi Nya: madami na akong nadeposit sa sayo, madami na akong binigay para sa sayo, panahon na para ipamahagi mo ito sa iba. Binigyan kita ng desire para magtravel at magagawa mo yun. Magsasalita ka sa buhay ng mga tao at makikinig sila, mga bata makikinig sayo, mga kasing edad mo makikinig sayo, pati mga masmatanda sa iyo ay makikinig din. . . . –prophetic presbytery 2006

Ito ako noon pilit na umaayaw sa mga pinag-uutos Nya dahil ako’y selfish. Gusto ko lang kung san ako liligaya, pero hindi ko naman talaga alam kung san ako liligaya. Siguro kung hindi ako naging selfish noon iba na ang pananaw ko sa buhay ngayon, malamang masmadami akong natulungan, malamang masmature ako ngayon, malamang hindi ako kumakapa uli at iniisip kung ano ang dapat kong gawin. Malamang malakas ang loob ko magsalita. Hay. . .

Kung ito pala ang plano sa akin ni God, ano ang dapat kong gawin at san na ako magsisimula?

 

Itutuloy.

 

really tired  current mood: masakit ang likod.

One thought on “August 1996 (part 3)

  1. Hello there Fellow Christian Blogger!

    This is Sis.Chette, I would like to invite you to join the Christian Blogger Clan located here:

    http://christianblogs.clan.su/ God has put in my heart to gather all the CHRISTIAN Bloggers on the Internet, and I hope you’ll participate and contribute.

    I really really hope and Pray that you’ll participate
    and Join this Clan. God bless all of us!

    – Christian Blogger Admin
    Sis.Chette

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s