August 1996 (part 4)

Graduate na ako ng college, ano na? ayoko magtrabaho noon sa ad agency dahil sa pinagdaanan ng ate ko (pagod, puyat tapos inaabuso ng creative director). Gusto ko pumasok sa film industry at gumawa ng pelikula. Pangarap kong maging derektor. Pero may ibang plano sa akin si God noon, gusto Nyang ayusin buhay ko at ibalik uli ang sigla ko sa Kanya.

2006, malapit nang magsimula ang pasukan noon, at dahil wala akong trabaho  umattend muna ako ng youth service (na dating hindi ko ginagawa nung college). Magsisimula palang noon ang service nakita ko si kuya Chris, binati nya ako at tinanong kung ano nang ginagawa ko, casually sinabi ko na naghahanap ako ng trabaho. “ganun ba?” sabi ni kuya Chris. “meron opening sa department ni Caloy, sa Every Nation Production.” Hala! Sa Every Nation!? gusto kong sabihin kay kuya Chris na ayoko dahil church yan at wala akong balak magtrabaho ng full time “sa church”. Pero hindi ko sinabi yun (bakit kasi kapag ngumiti na si kuya Chris parang hindi ka makapagsabi ng hindi) “okay” sabi ko. “ibibigay ko resume ko sa Sunday, pabigay nalang kay kuya Caloy” sabay ngiti.

Matagal na rin akong sinasabihan ng kaibigan kong si Giselle na subukan kong mag-apply sa every nation, sabi ko na ayaw ko kasi wala akong calling (emphasis added). Ito ang sagot nya sa sinabi ko “calling, calling, kung lahat nalang may calling wala na nagtrabaho sa management, lahat nalang pastor!” hehe!

Binigay ko na ang aking resume kay kuya Chris at nakatanggap kagad ako ng email galing sa HR ng every nation at pinagschedule ako ng interview. Well, interview lang naman, malay ko ba kung matatanggap ako. Pumunta ako at kinausap ako ni Caloy at ni miss Jiji ng HR. Ang trabaho pala na aapplyan ko ay admin assistant, yikes! Unang-una hindi ako admin person, ayoko ng papeles at ayokong sumasagot sa telepono, hindi ako organized at hindi ako expert sa math. Ang papalitan ko ay si ate Chi-Chi isa sa mga taong tinitingala ko sa QC church, malaki ang pupunuan kong role. Sabi ko kay Caloy noon kung okay lang ba na bigyan ako ng 1 week para ipagdasal ito dahil hindi pa talaga ako sure. Pumayag sya.

Nung week na yun nagdasal nga ako, sabi ko kay God hindi ito ang gusto ko, dahil nga sa aking past. Mahirap magtrabaho sa church kung ang puso ko mismo ay wala sa church. Kinausap ko ate ko, at ito ang advice nya na hindi ko malilimutan. Sabi nya “kung papasok ka sa isang trabaho dahil alam mong kaya mo ito, hindi magglorify si God sa life mo, pero kung hinayaan mo si God magwork sa life mo makikita mo kung paano Sya gagalaw sa buhay mo, at the end of the day God will be glorified kasi hindi ikaw kung hindi Sya ang nagbigay sa iyo ng kakayahan.” Nabuksan ang aking isipan at nagdecide na tanggapin ang trabaho.

August noon nung nagsimula akong magtrabaho sa ENP, makalipas ang tatlong taon nandito pa rin ako at masayang nattrabaho. Hindi na ako admin assistant dahil nakita ni Caloy na masgusto ko magtrabaho sa design department so nilipat nya ako at naghire sya ng iba. Naging admin ako for 7 months at natutong maging organized at di makakalimutin. Hehe!

I never expected I would be working for the church, as well as serving the pastors in the Philippines and around the globe. I never realized I will enjoy this job, as a matter of fact I enjoy my work so much that I don’t consider my work as “work”.  I’ve learned to be humble, and really trust and rely unto God (kahit pagdating sa pag-iisip ng design). At higit sa lahat hindi ko lang mahal yung trabaho ko, mahal ko rin yung mga people na katrabaho ko, we are like a one big happy family.

Sa aking pagbabalik tanaw hindi ko mapigilan kundi magpasalamat kay God. Kahit dumating ako sa panahon kung san tinalikuran ko sya hindi pa rin nya ako pinabayaan. Siya ang gumawa ng paraan para makabalik ako, syempre nagsisisi ako sa mga nasayang kong panahon, pero wala na tayong magagawa tapos na yun. Panahon na para umusad at gawin uli ang dapat kong gawin.

August of 1996 when I decided to give my life to God that, I think, was the best decision I ever made in my entire life. No regrets.

 

 

Tuzki Bunny Emoticon  current mood: to infinity and beyond!

3 thoughts on “August 1996 (part 4)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s