Para sa aking kaarawan

Septyembre na naman—buwan ng aking kaarawan, yahoo! May karapatan akong gumawa ng wishlist. Hehehe! Pero habang nagmumunimuni wala akong maisip na ilagay sa listahan ko. Hala! Sayang ang pagkakataon, minsan lang ito sa buong taon! Kaya ayun pinilit ko ang aking sarili na gumawa (take note pinilit).

Dahil wala akong maisip na gusto ko talagang matanggap sa aking kaarawan medyo iibahin ko ang aking listahan.

 

1) Moolah, cash, datung, money

Kung hindi pa klaro sa inyo ito ewan ko nalang. Tulad ng dati humiling din ako ng cash sa akin birthday para sa mga bagay bagay na nais kong bilhin, pero ibahin natin ngayon taon na ito. Meron akong pinag-iipunan, hindi para sa akin sarili kundi para sa short term missions. Sabi nga sa Romans 10:14-15:

14 How, then, can they call on the one they have not believed in? And how can they believe in the one of whom they have not heard? And how can they hear without someone preaching to them? 15 And how can they preach unless they are sent? As it is written, “How beautiful are the feet of those who bring good news!”

 

2) New friends

Hindi ko kinakahiyang sabihin na konti lang talaga ang aking mga kaibigan. Konti nga lang sila pero sila ang mga taong mapagkakatiwalaan ko ng aking buhay. Tinuturing ko rin sila tulad ng aking kapamilya. Ngayon na masaya ako sa piling nila bakit pa akong humihiling na madagdagan sila? Kasi gusto ko pang lawakan ang aking circle of friends, bakit ba?

 

3) Shoessssssssssssss

Aanhin ko ang madaming sapatos? May lahi ba akong centipede? Gusto ko ba talunin si Imelda? Ang sagot: nagpaplano ako ng isang shoes drive para sa buwan ng Disyembre. Nag-uupisa na ako magplano para mag-ipon ng mga sapatos na ipamimigay sa mga taong hindi maka-afford bumili ng disenteng pares ng sapatos. Kaya kung meron kayong shoessssssss na nakaimbak lang sa bahay, matino pa at hindi ninyo madalas ginagamit, let me know. Meron isang tao na matutuwang gamitin yan.🙂

 

4) Boyfriend

Haha! Wala lang, masaya lang isipin ang mga bagay na ito paminsan-minsan (lalo na kapag birthday). Hehe.

 

So yun lang ang aking mga mumunting kahilingan, pero kung gusto ninyo talaga akong bigyan ng regalo meron lang akong mga konting hiling:

1) Music stand

2) Dinner with my close friends sa victory QC bago ako lumipat sa Pioneer

3) Book na “Getting things done” ni David Allen

4) Kahit anong children’s book

 

Yun lang, maligayang kaarawan sa akin. ^_^

 

Tuzki Bunny Emoticon  current mood: humahappy birthday.

2 thoughts on “Para sa aking kaarawan

  1. Anatotski! Bday month na natin! (along with tons of other people we know) Sobrang dami kong kilalang sept ang birthday, halos araw araw merong may bday. Kaya yung bday ko parang dumadaan lang like a regular monday or something. Heniweiiiiii… sinisipag ako magreply so here goes:

    1) wala akong pera nowadays so out muna ako dito.
    2) new friend mo na ako so.. check!
    3) shoes, marami ako dito, hindi madalas ginagamit pero… hindi na matino. so out ulit ako dito.
    4) sige, dito na nga lang. haha joke!

    eto nalang! HAPPY BIRTHDAY! see you in pioneer, friend! pag binigyan kita ng music stand baka magdoble doble (baka may ibang magbigay sayo so isipin ko pa hahaha!)

    wala na akong sense. goodnight.

    • hahaha! kalerki! maraming salamat sa reply. wow! may isa na akong bagong kaibigan! *check* at at at HAPPY BIRTHDAY DIN!!! (dance)

      p.s. alam ko kung bakit madami may bday ng september. . . malamig sa january.😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s