Wife of noble character—Priceless

Kapag may gusto kang bilhin na ubod ng mahal hindi ba’t ito ay pinag-iipunan mo? nagtatrabaho ka ng extra hours para kumita ng masmalaki, yung iba nagbebenta ng laman—Pampangga’s best tocino para malaki daw ang return of investment (kala mo kung ano na no? malisyosong pag-iisip!). >_<

Sa larangan naman ng sports, para makuha mo ang gold medal nagttrain ka ng maigi, nagpapaka-Rocky Balboa ang style ng iyong training, kumakain ng “healthy” food, at pagkatapos ng iyong training parang gusto mo nang sumuka ng piano sa pagod.

Ganun din sa pag-ibig (naks! Ito na). sabi nga ni Balagtas, “o pag-ibig sa puso ninoman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang” (wushus!). Meron akong kaibigan na nakapangasawa ng isang Turkey (hindi yung pabo), at kinuwento nya sa akin kung ano ang tradition ng mga Turks bago nila ligawan ang isang babae. Dapat (uulitin ko) DAPAT bago manligaw ang lalaking sa babae, may bahay na ito ng kanyang sarili, may kotse, livestock at trabaho. Hindi papayag ang magulang ng babae kapag kulang ang mga requirements. Pwera pa dun, magbibigay pa ng limpak-limpak na salapi ang lalaki sa pamilya ng babae at mga jewelries at damit sa babae. Kahit nagmamahalan sila kung hindi ito kayang ibigay ng lalaki sorry nalang sya. *insert heart broken emoticon here*

Meron pa akong isang storya, pinsan naman ng kaibigan ko, nung gabing magpopropose na yung lalaki sa babae bago ibigay ang singsing may pinarada itong BMW sa harap ng babae, lumuhod, at sinabi na mahal na mahal daw nya ang kanyang irog kaya ibibigay nya ang BMW, ang ibig sabihin daw nito ay Be My Wife, sabay nilabas ang singsing. Syempre alam na natin ang sagot ng babae.

Isang araw meron akong nabasang Plurk ng kaibigan kong si King, sabi nya na kailangan nya na daw ipagpray ang kanya Proverbs 31:10 wife, let’s look at the verse:

“A wife of noble character who can find? She is worth far more than rubies.”

Ayus! Pwede! At kapag tinapos nyo yung chapter makikila niyo ng husto ang mapamosong si “Wife of noble character”. Ang tawag ko sa kanya, babaeng walang pahinga. Hehe!

Madaming husbands at soon to be husbands ang may gusto na siya ay makamit. Sino nga ba naman ang hindi diba? Pero ang tanong, anung ma-ooffer mo kapag nakita mo na siya? Ang mga examples na nabanggit ko nung una ay maliit percentage lang ng maibibigay mo sa iyong wife (of noble character), anung ibig kong sabihin dun? Hindi lang financial stability ang ibibigay at ipapangako mo sa kanya: kasama (syempre) ang walang hanggang pag-ibig, loyalty, trust, protection, leadership, at madami pang iba (as in).

Discouraged? Wag naman sana, pero I encourage you men, if you want to have the best, you also have to be the BEST. Imagine the wife of noble character marrying a sloth! Or someone who gives in to pornography! Or someone who can’t protect her???!!! Graaa~ 0_o

Give her the reward she has earned . . .   Proverbs 31:31

Sa atin naman mga ladies, sana maging role model natin si Wife of noble character. Alam kong nakakapagod mga activities niya at parang wala syang tulog, ngunit subalit dadapwa’t sa tingin ko alam lang niya kung paano mag-manage ng kanyang oras at dahil dun alam din niya kung paano mag-enjoy, “. . . she can laugh at the days to come.” (sabi sa verse 25). Let us ask God in prayer that He would develop in us the character that this woman have. HUKARABA!

With that in mind, ladies, please let us not give our pearls to the pigs. We are precious princesses and we, like what I said before, deserve the BEST. Kapag inabutan tayo ng pathetic looking roses na binili lang sa tabi-tabi at inabutan ng letter, worse text message, wag natin isusuko ang Bataan!!!! >_< (sumasakit baby bangs kooo!)

*Ahem*

The Wife of noble character deserves more than what this world can offer—she is priceless.🙂

 

Tuzki Bunny Emoticon  current mood: nais kong sumayaw.

4 thoughts on “Wife of noble character—Priceless

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s