The Dead Still Speaks

May trend na nangyayari na napansin ko this year—madaming namamatay—mula sa mga prominent at sikat na mga tao hanggang sa mga simple at malalapit na tao sa aking puso. nitong linggo lang kakagaling lang namin sa libing ni tito Jotique, father-in-law ni kuya na isa ding missionary.

madami na akong napuntahan na mga funerals, nakiramay at nakidalamhati sa napag-iwanan pero ito na marahil ang isa sa mga napuntahan ko na napaka-memorable at napaka-nakakainspire. hindi ko man nakasama si tito jotique ng matagal at nakilala sya ng lubusan pero sa mga panahon na kasama ko siya (sa breakfast table madalas) lagi nyang nababanggit ang church, ang kanyang ministry, at ang heart nya to reach the lost.

habang nakikinig sa funeral service nagco-contemplate ako sa magiging scenario ng aking lamay. namunimuni ako tungkol sa kamatayan, ninamnam ko ang mga sinabi nila tungkol kay tito jotique, sa kanyang pagiging ama, kapatid, kaibigan sa mga taong nakasama nya. madami ka pa rin palang matututunan sa mga taong yumao na. ito ang aking mga nabaong aral:

1) lahat ng gagawin mo dito sa mundo, maliit man o malaki, may magagawang impact sa buhay ng mga tao.

2) napansin kong maaga namamatay ang mga taong mabait. hehe biblical yun. nasa Isaiah 57:1-2 (NLT)

Good people pass away; the godly often die before their time. But no one seems to care or wonder why. No one seems to understand that God is protecting them from the evil to come. 2For those who follow godly paths will rest in peace when they die.

3) If your family and friends will write an epitaph for you, what is that one sentence that summarizes your existence here on earth? (Hmmm. . .)

4) your relationship with God is the only thing that would matter after you die. lahat ng mahal mo sa buhay, lahat ng ari-arian mo, lahat ng accomplishments mo ay iiwan mo na sa mundo.

5) The LORD cares deeply when his loved ones die. (Psalm 116:15)

6) lastly, sabi ko sa sarili ko, sana kapag sa wake ko andun ako para malalaman ko kung anung sasabihin ng mga mahal ko sa buhay tungkol sa akin. pero bigla din sumagi sa isip ko, bakit pa? kung pagpunta ko naman sa heaven maririnig ko na sasabihin ni God, “Well done good and faithdul servant. . . . Come and share your master’s happiness!” para sa akin, wala na akong ibang gustong marinig,  sapat na yun.

i never thought that attending a wake would inspire and refresh me to live life the way God planned it to be. thank you tito Jotique. i have been so encouraged with your life. i too have captured the fire, the same fire that caught you to share the gospel to the nations.

 

 

Tuzki Bunny Emoticon  current mood: inspired.

2 thoughts on “The Dead Still Speaks

  1. Good blog An🙂 i like the verse where the good die young🙂
    not that i want to die young:p
    but i’m glad that your tito’s life was lived to the fullest in the sense that he allowed God to use him🙂 hes life will continue to touch and inspire others even in death🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s