Ang Pasko kong Paksiw (part 2)

Nung bata ako may nabasa akong isang article sa magazine “How to lessen stress during the Holidays.” Hindi ko ito binasa dahil inisip ko “well, hindi ako masstress kapag Pasko dahil ito ang pinakapaborito kong season sa lahat and no one, I repeat, no one can make me miserable during this festive occasion.” ngayon nagsisise ako na hindi ko sya binasa. makatapos ng sampung parties at get together, makatapos ng apat Β na trips sa mall para mamili ng christmas gifts masasabi kong OO STRESSED NA AKO! graaa~

Ang bilis ng panahon at parang hindi manlang ako na excite at natuwa nung papalalapit na ang kapaskohan. ngayon at naexperience ko ang stress sa buwan na ito hayaan nyong ishare ko ang mga natutunan ko para sa susunod na taon ay magagamit natin ito at nawa’y maenjoy natin ang kapaskohan.πŸ™‚

lesson number 1: simplehan lang ang buhay

Alam natin madaming parties at reunions. Mamili lang kung sino ang pwede nyong puntahan. let’s be practical hindi dalawa ang katawan natin. and we must learn how to say no. we don’t have to please everybody y’know.πŸ™‚

lesson number 2: hindi kailangan bumili ng mamahaling regalo para lang masabing mahal mo yung taong niregaluhan mo

Alam kong cliche to pero remind ko na rin just in case makalimutan natin “it is really the thought that counts.” personally nappressure kasi ako kapag bibili ng regalo. iniisip ko dapat special kasi special yung tao, pero kung secured naman tayo sa relationship natin dun sa tao bakit kailangan pa natin iprove yun sa presyo ng regalo? Unless gusto mo talaga magsunog ng pera sa pasko e bahala ka sa buhay mo.

lesson number 3: ihanda ang sarili

Hindi maiiwasan ang traffic at dagsaan ng tao sa mall. Ihanda lang ang sarili na pagdating sa ganitong buwan ganun talaga ang situation, especially sa Manila. Ihanda din ang sarili sa gastos. Sa panahon na ito madami talagang vampira (pare, wala ka vam-pira?). Madaming manghihingi, mamamasko, mangungutang (dahil na overshoot nila budget nila), etc. maging handa. Unahan ang mga unexpected na gastos at dagsa ng mga tao sa pasko. wag nyo din kakalimutan na magtira ng money para sa sarili at wag gastusin lahat (please lang).

lesson number 4: hindi lang ikaw ang nag-iisang stressed sa panahon na ito

madami tayo, i tell you. kaya wag tayong OA na iniisip natin tayo lang may problema.

Binasa ko ang bible at tinignan ang nangyari nung unang pasko, nung pinanganak si Jesus sa mundo. Noon wala silang mga parties at reunions na inaatendan, walang mall at walang traffic, walang mga reregaluhan at walang 13th month pay, Β pero iba ang problema at level ng stress na pinagdaanan nila Mary at Joseph nung mga panahon na yun. Manganganak na si Mary at wala silang matuluyan. Nanggaling sila sa malayong paglalakbay at ang pinakamatino nilang nakuhang lugar ay isang kwadra (stable). Doon nanganak si Mary, at san natulog ang kanyang anak? sa sabsaban (manger). Pero nung pinanganak si Jesus nung gabing iyon, nagkaroon ng kapayapaan sa lugar. Parang napawi lahat ng ng pagod nila Mary and Joseph.

Kakatapos lang namin ang noche buena at sa totoo lang ngayon ko lang naranasan ang katahimikan at kapayapaan matapos ang kabusyhan ng mga naganap na linggo. Natapos ko na din mabalot ang aking mga regalo limang minuto bago magpasko (oo na at nagcramming ako), pero ngayon, lalasapin ko lang talaga ang kapayapaan na bigay ng Diyos. kaya nga tayo nagdidiwang ng pasko dahil dumating si Jesus, the Prince of peace.

Maraming salamat Panginoon sa Christmas.πŸ™‚

current mood: at peace.

2 thoughts on “Ang Pasko kong Paksiw (part 2)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s