2009 Year-End Report

Sa atin kapag sinabi nating “past” ang ibig sabihin nun ay ang mga kaganapan na napagdaanan na natin kaya nasa likod na natin ito. Ang salitang “future” naman ay mga kaganapan na pagdadaanan natin kaya ito ang ating hinaharap. Pero sa salitang Hebrew ang salitang “past” o ” qedem” means infront at ang salitang “future” naman o “olam” means “at the back.” Bakit? kasi ang nakaraan ay napagdaanan na nila kaya nakalatag na ito sa kanilang harap at ang future naman ay mga pangyayaring di pa nila nakikita kaya ito’y nasa likod nila.

Ngayon, napaisip ako, sa halip na sasabihin kong ako’y magbabalik tanaw, sa tingin ko masmainam sabihin na ako’y titingin sa kaganapang nilatag sa akin ng Panginoon nung 2009 para Siya ay pasalamatan sa mga biyayang binigay niya.

Mag-highlight nalang ako ng mga pangyayaring pinagpapasalamatan ko sa Panginoon:

January, as a church, lagi namin sinisimulan ang taon na magpray ay magfast. I didn’t ask anything else but God, His presence, to always be with me and my family. I wanted more of Him. Sabi ko sa sarili ko pwede akong humingi sa Kanya ng request ko anytime of the year, pero itong taon na ito (2009) sisimulan ko ang lahat sa paglapit ko sa Kanya. Christianity is a relationship, kaya unahin ko ang relationship ko  kay God more than anything else.

February and March, inaayos ko na lahat ng papeles ko para sa US visa ko. God was able to provide money ang favor sa aking pag-alis. March nung sinabi ng consul na iaaprove niya visa ko, I was given multiple visa na hanggang ten years. ilang buwan na ang nakakalipas at hindi ko pa rin lubos maisip kung paano nangyari yun, no doubt that it was God moving in my situation.

March, second time kong magconcert ng bonggang bongga kasama ang The Orchestra ng ICA (international Christian Academy) sa Philam Theater.  I am really thankful to be part of that family. More of this story here.

May and June, first time kong makabyahe papuntang USA mag-isa. Kakaibang experience at sobrang nakakamature din. madami akong nakilala sa airport at madami din akong nakita na lugar na kakaiba sa akin. Read more here.

July, naexperience ko at nakicelebrate sa 25th anniversary ng Victory. Dahil dun ako’y nagbalik tanaw din sa aking spiritual maturity and thanked God for calling me and letting me know His will and purpose in my life. Nagsulat din ako ng 3 part series ng aking journey with Him. Read here.

September, birthday month at nagpaulan si ondoy (two days before my birthday). I am not thankful about this catastrophe, but God protect me and family during this time. Albeit my sister and her husband’s house was devastated by the flood God protection was with them and they are safe. God also restored what was loss and gave even more. Days after that was my birthday, wasn’t able to celebrate my birthday but it gave me an opportunity to help people. Tumulong kami sa pagbilang at pagsend out ng mga relief goods sa mga nangangailangan.

December, I thank God na nacecelebrate ko ang pasko kasama ang aking pamilya. Nabigyan kami ng sandamukal na blessing na hindi ko na halos alam kung san ko ilalagay yun. haha! overflowing nga.🙂

Kung titignan ang lahat ng ito, hindi ko talaga maiisip na ako lang ito at sadyang swerte lang ako. Hindi, masasabi ko talaga na si God ang dahilan ng lahat ng blessing, protection at favor sa buhay ko. excited na ako sa susunod na taon, I believe madami pa Siyang plano sa akin na sadyang exciting.

Isang tulog nalang at 2010 na.🙂

Happy new year sa lahat and God bless!

Tuzki Bunny Emoticon current mood: Paalam na year 2009.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s