Super ispeysyal Araw ng mga Puso blog post (part 2)

Nagbabalik na naman ang makulay na trayanggulong pag-ibig nila Margarita, Conchita at Fabio. Aking lang po munang liwanagin bago natin simulan ang storya na ang mga sumusunod na pangyayari ay hindi na po naganap sa totoong buhay. Ito ay galing sa malikot na imahinasyon ng manunulat. Sadya lang pong napakalamya ng conclusion sa totoong storya kaya lagyan natin ng konting * ahem* adventure.  At dahil Chinese new year din ngayon haluan natin ito ng “Mano po” flavor.😉

Kung nakaligtaan niyo ang nangyari sa storya basahin niyo muna ito.

Dahil nababalita na nga na nagde-date na sila Conchita at Fabio pero wala pa talagang nakakatiyak kung sila na nga. Dumating din ang balitang ito sa mga magulang ni Conchita na sina donya Guada at don Pablo. *TananaNAaaan!*

Ipinatawag nila donya Guada ang kanilang tapat na katiwala na si Alfonso at pinautos na  imbestigahan ang mga balibalitang ito. At dahil tapat nga si Alfonso ginawa nya ito kahit (at medyo lang) labag ito sa kanyang kagustuhan.

Sa Mansion nila donya Guada at don Pablo:

“mama, bakit nyo po ako pinatawag” tanong ni conchita.

“sagutin mo nga ako conchita. . .” tanong ni donya Guada sabay ng kanyang pagpaypay. “. . .  sino si Fabio at anu siya sa buhay mo?  *tananaNAaaan!*

“mama, sya po . . . sya po . . .”

“. . . ang boyfriend mo?!” galit na patanong ni don Pablo, na may panginignginig pa.

“hindi ba’t pinagkasundo na naming ikaw kay Salvador!” pagalit pa rin na sinigaw ng kanya papa.

“pero papa! Hindi kami nagmamahalan ni Salvador!” *sob*

“Katahimikan!!!” nagkasundo na kami ng mga magulang ni Salvador na kayo ang magkakatuluyan. At walang sinuman ang tututol nun! Naiintindihan mo ba yun Conchita?!!” pagalit na sinabi ni don Pablo.

“Papa you’re so unfair!!!” Pa-english na sagot ni Conchita (naks!)

Tumako ito palabas ng kanyang bahay at pinuntahan niya si Fabio na nakatira pa sa kasuluksulukan ng FARview at kinuwento ang mga pangyayari sa bahay.

“Ganun ba?” sambit ni Fabio, “magtanan nalang tayo.”

“Pero saan tayo titira Fabio?” pagulat at medyo (medyo lang) masayang sagot ni Conchita.

“Sa . . . sa . . . san nga ba? Um . . . sa bahay niyo?” ang sagot ni Fabio na medyo may pag-aalinlangan.

“O_O” buong pagkagulat na reaksyon ni Cochita sa walang silbing sagot ni Fabio.

At dahil dun napagtanto ni Conchita na hindi nga siya mahal ni Fabio at ito’y isang infatuation lamang. Bumalik siya sa bahay nila at sumunod ito sa kanyang mga magulang. Kinilala niya si Salvador at nakita niya na lamang ng sampung paligo si Salvador kay Fabio at napaka bait pa nito, not to mention ubod ng yaman at may-ari ng Hacienda sa malawak na lalawigan ng Tralala.

At para kay Margarita naman, nakilala niya ang gwapong katiwala nila Donya Guada at don Pablo na si Alfonso. Parati sila nagkikita dahil best friend nga niya si Conchita at lagi siyang tumatambay sa bahay nito.  Napapansin na rin pala ni Alfonso si Margarita at sinabi niyang “Napapagod ka na ba Margarita? Kasi lagi kang tumatakbo sa isip ko.” At dahil sobrang corny at cheesy ng kanyang pick-up line natuwa si Margarita at . . . well, na inlab siya kay Alfonso.

So dito po nagtatapos ang ating storya. Sa mga nag-abang ng isang taon para sa katapusan nito, patawad. Sa mga na kornihan . . . anung masasabi ko, corny talaga ang pag-ibig sa totoong buhay. wehehe!

Happy Balentayms po sa inyong lahat!😀

Tuzki Bunny Emoticon current mood: pinipilit maging inlab . . . pero di talaga.

3 thoughts on “Super ispeysyal Araw ng mga Puso blog post (part 2)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s