Daddy long-legs

Jerusha "Judy" Abbott

Bata pa ako nung napanood ko ang story ng “Daddy long-legs.” Hindi ko pa nababasa yung totoong version ng story na sinulat ni Jean Webster pero nabigahani na ako sa anime series na napanood ko dati sa channel 2. Kung hindi kayo familiar sa story ng “Daddy long-legs” ito ay tungkol sa isang babae na nagngangalang Judy Abbott. Siya ay pinanganak na mahirap at (kung may mas-ilulupit pa ang tadhana) siya ay isang orphan na lumaki sa isang orphanage. Madami siyang mga issues sa buhay pero lumaki pa rin siya na may mataas na pangarap. Nakapag-aral siya sa kolehiyo at siyempre dahil mahirap lang siya meron nagsusupport sa kanya at yun ay si Daddy long-legs (hindi niya totoong pangalan). Ito ang ginagamit na ni Judy kapag sumusulat sa kanya dahil hindi niya pa nakikita ang itsura ng kanyang sponsor pero nakita lang niya sa anino nito na matangkad. Mula sa pag-aaral ni Judy hanggang sa kanya mga damit at allowance, ito ang support na binibigay ng kanyang “sponsor” na si Daddy long-legs.

Wala akong daddy long-legs (at hindi rin long ang legs ng biological father ko) pero meron lang isang pangyayari sa buhay ko na mahahalintulad ko sa storya ni Judy Abbott.

Malayo pa ang sweldo nung araw na iyon at hindi ko alam kung bakit naisipan ko pang magliwaliw muna sa mall at magtingin-tingin ng mga damit. Wala naman talaga akong balak bumili dahil ang laman lang naman ng wallet ko ay 200 pesos at konting mamera. Ngunit dumating ang hindi inaasahan, sa harap ko nakatitig sa akin ang isang manikin na may suot na magandang damit. Hinawakan ko ang magandang damit at tinignan ang presyo . . . *gasp!* o hindi! Mahal siya! Kung kilala ninyo ako sa totoong buhay hindi ako mahilig bumibili ng mamahaling damit. Ang budget ko sa isang dress ay hindi dapat tataas sa 1000 pesos. Pramis. At nakakahanap ako ng magandang mga dress sa ganung halaga. Pero itong damit na ito ay lampas 1000, kaya asa pa akong bibilhin ko ito. Pero ang ganda nyaaaaaa~

Kinuha ko ito sa hanger at pinatong ko sa aking harap para makita kung maganda ito sa akin o hindi. Guess what, bagay sya. Lumapit sa akin ang sales lady at sinabing, “mam, isukat niyo po.” Sabay ngiti. “New arrival po yan!” sabay ngiti uli. “kaya pala mahal . . .” Sabi ko sa aking isip, sabay bugtong hininga. Gusto ko ang damit na yun, at sinabi ko pa sa sales lady na bibilhin ko ito sa sweldo. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun, unang una ang dami kong babayarang bills at bago ako gagastos ng ganun kalaki uunahin ko munang ipunin ang aking emergency fund (na wala pa sa kalahati ng target amount ko). Pero decided talaga ako na mabibili ko yun. Paano? Ewan. Basta!

Dumating ang Lunes at di ko pa rin makalimuta ang damit na yun. Kasya ba siya a budget ko? Mukhang hindi. O well, balik nalang ako sa aking trabaho. Hanggang sa may hindi inaasahang pangyayari, nakatanggap ako ng email. Isang blessing, provision, manna na galing sa langit! Woot! Inaasahan ko itong provision na ito (na hindi ko nalang muna sasabihin sa blog ko kung ano ito) pero ang tagal ko nang iniisip ito at kinalimutan ko na. At ito na, dumating ang provision sa oras kung kailan kailangan ko siya. Mabibili ko na yung dress!!! At may dahilan na rin ako para bilhin ang damit na yun—I shall reward myself! *hihi*

Tulad ni Judy Abbott meron din pala akong akong Daddy long-legs, at yun si God. Alam Niya ang mga kailangan ko at kahit yung mga bagay-bagay na hindi ko naman talaga kailangan ,pero gusto ko lang, binibigay pa rin Niya. Napaka simple lang ng hiling ko pero yung mga simpleng bagay na yun ang nabibigay galak sa aking puso. Hindi lang naman sa major things concern si God, pati rin dun sa maliliit na detalye sa buhay natin na kinakahiya na natin ipagpray concern pa rin Siya, kahit sa tingin natin napaka petty nito.

Nararamdaman ko rin ang galak ni Judy Abbott pagkatapos niyang magbubukas ng regalo galing sa kanyang Daddy long-legs. Sa araw na bibilhin ko yung damit na iyon iisipin ko na regalo sa akin yun ni God dahil alam kong mahal na mahal Niya ang kanyang munting prinsesa. Excited na ako.🙂

current mood: gutom pero masaya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s