Tanong ng Masa: Bakit single ka pa?

Isang umaga habang pababa sa dining area para kumain ng breakfast nabungad sa akin kagad ang tanong na ayaw marinig ng mga single women, ang tanong na “bakit wala ka pang asawa?” take note na hindi pa ako nakakakain ng almusal nito, di pa ako nagtutoothbrush, at wala pa sa tamang wisho, buti nalang may grace at hindi ko tinarayan yung nagtanong, nga pala bisita siya sa bahay. Nakalimutan ko na rin kung paano ko nasagot yung tanong, teka . . . hindi ko ata sinagot, I’m not sure.

Pagdating ng gabi may ibang bisita uli na dumating, old friend na napabisita uli sa bahay. Konting chika-chika kamustahan dito at syempre tinanaong uli ang mahiwagang tanong, “bakit wala ka pang asawa?” at dinagdagan pa “kahit boyfriend manlang?” at dahil gising na gising ang diwa ko sinagot ko nang, “bukas meron na, wag ngayon kasi gabi na.” tumawa nalang sila. Ngumiti lang ako.

Don’t get me wrong, hindi naman sa ayaw ko magka-asawa, in pak inaasam ko rin ang pagkakataong ito. Gusto ko nga magkaroon ng apat hanggang limang anak dahil nais ko rin magkaroon ng malaking pamilya. Pero ang gusto ko lang sana malaman ng lahat na hindi lang ang pagiging maybahay ang ultimate role ng isang babae. Hindi dahil wala pang asawa ang isang babae ibig sabihin wala siyang kwenta, pangit siya kaya walang nag-asam na lalaking manligaw.

Minsan ko nang inisip na patulan nalang kahit sino. Pero hindi ko ito maatim. Meron akong mga standards, at hindi ko pwedeng icompromise ito para lang sabihin na may boyfriend ako. Madaming nagpapacute pero hanggang pacute lang. May nagsabi sa akin na hayaan ko lang daw sila magpatumbling-tumbling sa harap ko kung gusto nila. Hangga’t wala pa silang sinasabi wag kang magpapadala sa “side show” nila, kung hindi nila kayang sabihin sayo ng harap harapan hindi nila kaya panindigan ang relationship if ever. Sumunod naman ako. Madaming tumabling pero hanggang tumbling lang.

Ako’y naniniwala na kung gusto talaga ako lalapit sila. May nagsasabi sa akin intimidating ako, weirdo, at ang mga topic of conversation ko ay pang-intellectual lang daw. Anung gagawin ko kung ganito talaga ako? God created me to be an artist and people cannot put me inside a box just for me to fit in and be accepted. Kahit busy ako, o kaya nakatira sa Timbuktu, o kaya binakuran ako ng kung sinong nilalang, kung gusto ako, lalapitan niya ako. Ayoko itong isipin, pero parang ang boring na ng ibang mga lalaki ngayon. Sorry to say this guys, pero yung iba kailangan lang talaga magtake ng risks.

Kagabi habang naglalakad pauwi galing sa isang photoshoot napa-isip ako. Sabi ko sa aking sarili,

“Isa akong espesyal na nilalang. I don’t have to prove myself or strive so that men will notice. It only takes a special person to see the way God sees me, to be captivated not just with the outward appearance but also with the inner beauty. And when he sees that he will never let go.” (naks! minsan english talaga ako mag-isip)

Hindi ko talaga alam ang sagot kung bakit ako single. Baka walang nakakapansin? Baka napapansin nga pero natatakot lang siya? Baka nasa Mars siya ngayon at gumagawa ng special project para sa NASA? Ewan ko. Pero ito lang ang alam ko—single ako ngayon and ito ang special season na kailangan kong ipagmalaki at hindi ikahiya. Hawak ko oras ko at budget ko. Kaya kong magtravel sa iba’t ibang lugar. Kaya kong gumawa ng special project na hindi ko magagawa kapag may pamilya na akong sarili. Once in a lifetime lang ang pagiging single at kung sasayangin ko lang ito loathing dahil gusto ko lang mag-asawa hindi ko ito maeenjoy. Saka ko na iisipin ang aking wedding day kapag may engagement ring na ako sa aking daliri.🙂

Nga pala, meron akong nabasang isang interesanteng article entitled “What men Really Need from Women”, na share ko lang.😉

current mood: juma-juggling ng trabaho.

6 thoughts on “Tanong ng Masa: Bakit single ka pa?

  1. Like you single din ako, at nakikiisa ako sa iyong reflection.

    aminado ako minsan tinatamaan din ako, pero at the end of the day, i know na hindi pa ako handa at iyon nga wala pa naman.

    yung time na nasa atin precious kaya dapat ini-enjoy and pinagyayaman.

    hi! napadaan lang. (ikaw unang nakita ko sa mga may blog na may topic na single)

    • welcome to Coffee Cup Adventures!🙂

      i agree with what you’ve said “yung time na nasa atin precious kaya dapat ini-enjoy and pinagyayaman.

      we can give our future spouse a gift by being pure and by using our time wisely to grow and mature. this season is indeed a gift. ^_^

  2. Haay, akala ko ay nag-iisa lang ako sa issue na ito.😄
    Me na-experience na nga ako eh, personal friend ko, niligawan ba naman ako. E ako pa naman, wala sa pamantayan ko ang makipagrelasyon sa mga personal na kaibigan. (nagkwento na daw ng life story?) :-3
    Totoo nga ate ang sinabi nyo, kung me gusto sa’yo e di lumapit, kung wala e di wala. At i-enjoy na lang natin lahat na mga single ang pagiging single!
    Mabuhay ang mga single!:D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s