I, Nerd

Alam natin na kapag tinawag kang nerd hindi yun compliment, but I’m still proud to be called one. Nasa elementary ako nun nung una akong tinawag na nerd. I am a bespectacled young girl with retainers, thin and with puffy, wavy, short hair.  Uhg! Nonetheless, I still consider myself a “cool” nerd back then.  Bida kasi ako nun kapag may exams at quizzes. Ang tawag sa akin mommy nerd—provider ng mga answers. Hindi pa kasi nadedevelop sa akin ang integrity noon kaya nagpapakopya ako (don’t worry guys nagrepent na ako).

Geeks and Nerds

Geeks are not Nerds and Nerds are not Geeks. Magkaiba silang nilalang pero laging napagkakamalan na magkapareho. Dahil din siguro meron mga nerds na half geeks, pero I don’t think meron geeks na part nerd (o ako lang yun). Para masmadali natin maintindihan iexplain ko.

Nerds are studious people who lack social skills, thus branded as a foolish or a contemptible bunch of people. (owts! I blame Hollywood for this)

Geeks however are people with an eccentric devotion to a particular interest. Like this guy who enumerated the Star Wars characters from A-Z, really geeky I tell you (pero sana idelete niya yung mga bots sa commets section).

Both, according to the dictionary, are unfashionable and socially inept people (again, I blame Hollywood for this). This last statement is not 100% true.

Nerds know the word FUN

Alam natin na mahilig mag-aral ang mga nerds, at kahit magpuyat ang tumubo ang pimples ok lang kasi learning is fun. Euphoria kapag may nadiscover kang bago sa mundong ginagalawan natin. And of course hindi naman pwedeng solohin ang mga information and newfound knowledge dapat binabahagi ito sa mga less nerdy people. I do believe nerds reinvented the word fun.

• Nerds ang nagimbento at nagdevelop ng computer.

• Nerds ang gumagawa ng mga codes para sa mga video games. Nerds din pala ang nagdedesign nito.

• Nerd din ang nilalang na may pakana kung bakit tayo meron iPod, iPad, at kung anu-ano pang gamit na may “i”

• Nerds din ang mga pirata ng mga software kaya ineenjoy ito ng mga tao sa masmurang halaga.

• Nerds ang may pakana ng google at youtube.

• Nerds din ang masarap at maasim na candy na nabibili natin sa ating suking tindahan.

I love Nerds

Nerds are interesting people. Yah sure mukha kaming libro, pero kung makikila ninyo kami ng lubusan malalaman ninyo na hindi naman talaga kami boring kausap (unless nalang kung talagang hindi kayo makarelate sa topic).

May mga crush din akong Nerds sa TV at sa totoong buhay (pero share ko nalang yung mga crush ko sa TV)😛

McGuyver Sinong makakalimut sa kanya? Intro palang ng kanyang palabas tumitili na mga pinsan ko. At dahil 6 years old palang ata ako nung pinanonood ko ito malamang siya ang aking first TV star crush. Napaka-nerd niya dahil kaya niyang gumawa ng bomba sa kahit anung mapupulot niyang bagay (banana + lose copper wires + nasal spray = banana bomb). Basta magaling siya! Alam ko sila kuya gusto magkaroon ng Swiss knife dahil kay McGuyver.

Beakman Lumaki na ako at na hook na naman sa isang science show (aside sa “Newton’s apple” at “Sineskwela”). May ibang saya kapag nakikita ko si Beakman. Akala ko siguro mahal ko na siya, pero napagtanto ko na masmahal ko ang science at hindi ang mad scientist. Whatta bing! Whatta bang! Whatta boom!

Clark Kent Hay . . . sana ako nalang si Lois Lane para hindi kita inisnub. At kahit hindi ka si Superman mahal pa rin kita. >insert lovestruck emoticon here<

Chuck Bartowski I think kaya ko siya nagustuhan kasi pareho kaming chimera. Kung half spy half nerd siya, ako naman half artist half nerd. *teehee*


Conclusion

Lastly, Nerds are Nerds. Take time to know them, kahit nakasubsob yung mukha nila sa libro o kaya sa computer. Hindi mo alam na baka yung nerd na kakilala mo magiging presidente pala ng Pilipinas, o di kaya makaka-isip ng gamot sa cancer. Baka siya rin ang susunod na Bill Gates o di kaya Steve Jobs. Malay mo ngayon palang nag-iisip na siya ng social media na kikita ng limpak-limpak na salapi. Malay natin.

current mood: gusto ko matulog.

4 thoughts on “I, Nerd

  1. ako hmmm may pagkanerd at may pagkageek.
    nung hayskul nerd ang tawag sa akin dahil sa mga eyeglasses ko at pawang mga kaibigan ko eh lahat nakaeyeglasses din at ang tawag sa ain eh nerds. okay lang naman mainggit sila sa grades namin. wahahaha!

    pero ngayong college na ako. hmmm. wala na ang pagiging nerd ko. ewan ko ba. parang geek na ako eh. masyado akong nahuhumaling sa erserheads. bawat kanta nila minememorize ko, pati album nila nicocollect ko. bastaaa. nauubos ang pera ko dahil sa eraserheads na yan!

    hakhak! chuckkkkk!❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s