Eighty-twenty

Sobrang init ngayon sa Pilipinas. Umaabot sa 360C hanggang 370C ang temperatura. Gumalaw ka man o hindi pagpapawisan ka pa rin, at ultimong pawis mo pinagpapawisan. O_O;;

Nung isang Sabado, habang naglalakad sa pinakamalawak na sauna sa Pilipinas (ang SMX) para sa ocular inspection, humirit ang isa naming kasama sabi niya, “sa sampung minutong nilakad natin nawalan ako ng 5 lbs [lol].” At meron sinabi ang isang napakagandang binibini na kasama rin namin sa SMX (na sa tingin ko ay napakaimportante kaya binlog ko), sabi niya, “Did you know that in order for you to lose weight, exercise is only 20% and the rest is proper diet.” Sabay paypay at punas ng pawis. At dahil dun bigla kong nasabi “weh! Di nga?”

Napa-isip ako nun. Hindi ko alam kung san niya napulot ang impormasyon na iyon at kung napag-aralan na ba iyon ng mga experts. Pero (maniwala man kayo o hindi) napatunayan ko na posibleng totoo nga yun.

Bakit ako payat

Wala akong matinong exercise. Ang pinaka-exercise ko lang ay ang aking pagcommute araw-araw (pag-akyat sa hagdan, paglakad, at paminsan minsang pagtakbo), bukod dun ay wala na. Tulad nang nabanggit ko sa aking lumang post na hindi ako mataba, underweight pa nga ako, at dahil ito sa aking eating habits. Sa totoo lang ayoko ng feeling na busog kaya ang kinakain ko lang ay yung tama lang para sa akin—not more than one cup of rice per meal and 1-2 viands. Paminsan minsan may dessert ako at siyempre may kape rin. I eat what I want but I don’t stuff myself, ayoko kasing feeling bloated at hilo pagkatapos kumain.

Eh ano ngayon?! (Tanong ng madlang people)

Tulad ng sinabi ng magandang binibini na kasama namin sa SMX, para natin makamit ang katawan na inaasam natin, 20% lang ang maitutulong ng exercise at 80% ang proper diet. Ibig sabihin hindi dapat icompensate ng exercise ang ating over indulgence sa food. Support lang ang exercise and the rest dapat natin ayusin sa ating pagkain. So bago kayo magsign-up sa gym o di kaya magsunog ng pera para sa thread mill masmagandang mamotivate muna tayo na kumain ng maayos.

*Phew* Napagod akong magsulat at mag-isip, kakain muna ako ng chichacorn.

current mood: gutom.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s