Ang Eleksyon, ang Deodorant, at ang Washing machine

Ayun sa mga balita, ang election 2010 na raw ang pinakamapayapang election na naganap sa kasaysayan ng Pilipnas. Ngunit gaano man kapayapa raw meron pa rin mga namatay dahil sa political violence. Dito sa lalawigan ng Tralala kung san ako nakatira at bumoto, mapayapa naman ang naganap na election. Sobrang init nga lang at sa sobrang dami ng tao, mapapansin mo na ang butil ng pawis na lumalabas sa katawan mo ay kasing laki ng. . . uh . . . jolen. At dahil massive magpawis ang mga kababayang kong Pilipino, not to mention karamihan ay bumoto muna bago naligo, hindi maiiwasan na may mga “putukan” na naganap sa paaralan na pinagbotohan ko. Silent putukan ito, kung may panakip ka sa ilong malamang maiiwasan mong maging biktma ng nasabing putukan. Hinga ng malalim at maamoy mo ang simoy ng eleksyon.

PCOS of you my life was changed

Isang malaking pagbabago ang automated election sa Pilipinas, and I’m proud to say na isa itong magandang pagbabago. Hindi man naging mabilis ang botohan, naging mabilis naman ang bilangan ng balota. Ibig sabihin kung may magaganap man na dayaan, kung hindi man wala, sobrang minimal nalang ito.

Excited akong bumoto nung May 10. Maaga kaming nagising ng nanay ko dahil poll watcher siya at gusto ko na rin sumabay sa maagang botohan, 5:30 AM palang gising na kami (wuw! Hindi kami excited ano). Number 9 ako sa pila, maaga palang meron nang nakikipag away sa mga BEIs na ang hangarin lang sa buhay ay maging maayos ang eleksyon. Maaga palang sangkatutak na ang tao sa aming presinto, maaga palang mabantot na kami.

Nakuha ko na ang aking balota ng 7:15 AM. Naalala ko nanginginig ang aking kamay sa pag-shade ng mga bilog na hugis nilagang itlog. Hindi ko alam kung dahil gutom lang ako dahil hindi pa ako nag-aalmusal o kinakabahan lang ang inyong lingkod. Malamang kinakabahan ako dahil ayokong matamper ang aking balota at hindi ito tangapin ng washing machine . . . este, PCOS machine.😛

Ayokong bumoto ng artista, pero hindi ito maiiwasan, dahil sa lalawigan ng Tralala karamihan ng tumakbo ay artsita. Pero pramis dalawa lang silang nakapasok sa balota ko. Si ______ sa pagkamayor, at si ______ bilang kagawad.  Alam kong paglilingkuran nila ang taong bayan ng buong katapatan. NUKS!

Ayan na! pagkatapos ng sampung minuto natapos ko rin kulayan ang mga nilagang itlog! Excited na akong ipasok ang aking balota sa higanteng rice dispenser—ang PCOS machine.😄 Pinasok ko ang aking balota, nag-antay at biglang sinabi ni pareng PCOS “Ang galing mo! Isa kang tunay na Pilipino! Apir nga dyan!” *wish ko lang* pero sinabi lang niya sa totoong buhay ay “congratulations!” Masaya pa rin ako, napapalakpak at sinabing YEHEY!

Panatang makabayan

Natapos na rin akong bumoto at naging masaya ang experience kong ito. Hindi ito ang first time kong bumoto pero ngayon lang ako naging active before and after the election: active sa pagkampanya sa aking kandidato, active sa pagboto at pagsubaybay sa naganap na eleksyon, at higit sa lahat active magdasal.

Pagpasok ko sa bahay, sa harap ng aking lola, sinabi kong “mama! Nakaboto na ako! ang saya-saya!” tinaas ang daliring may indelible ink at sabay sinambit ang panatang makabayan, “. . . isa akong tunay na Pilipino, sa isip sa salita, at sa gawa.” *bow*

current mood: umaasa sa magandang kinabukasan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s