Ang buhay ay parang telenobela

Buong akala ko ang aking Dream guy ay hanggang dreams lang. Laking gulat ko nung nakilala ko nga siya sa totoong buhay! *LE GASP!* at bago kayo magsabing “yihee!” basahin niyo muna ito.

Halos lahat na ata ng katangian na hinahanap ko sa isang lalaki ay napakyaw niya na, nagtira lang siya ng isa’t kalahati. May takot sa Diyos, mabait, gwapo, makisig, matalino, at nakakaaliw kausap. Hindi ko na i-elaborate kasi baka makilala ninyo kung sino ito,  at kung lalaki ka at iniisip mong ikaw ito . . . uh . . . sige bahala ka mag-isip.

Nakilala rin kita sa wakas at nakilala mo rin ako! Pero, pero at malaking PERO! bakit ganun? bakit . . . parang di tayo bagay?o_O Parang isang Korean tele nobela lang ang buong pangyayari, oo na, langit ka at lupa ako. Hangang ganito nalang ba tayo? LOL ang drama ko.

Ngayon ko lang napagtanto, at aaminin ko sa madlang pipol, di ko kayang tapatan si Dream guy. *sigh* mukhang madami pa akong kakainin na bigas (as in literally). Pero kailangan ko ba talaga siyang tapatan? O hayaan ko nalang akong maging ako at wag mapressure? Sa sobrang payak ng buhay ko para akong . . . ako. sorry di ko maexplain. (-_-)’

O well, oo na magaling ka. Hindi naman ako bitter, I’ll just admire from afar. NUKS!

Tuzki Bunny Emoticon current mood: nangangarap ng gising.

8 thoughts on “Ang buhay ay parang telenobela

  1. ay ate ana! natuwa naman ako nung una dahil sa wakas, andyan na si dream guy mo at marami ka nang kilig na chikas na isishare sakin, but oh noes! may langit-lupa drama ito! hehehe.. hmmm..sabi nga nila ate ana, All is fair in Love. Char! amishoo ^_~

    • hay. . . ganun talaga. minsan kay hirap lang talagang abutin ang mga maniningning na bituin. NUKS POETIC!😄 huwag mag-alala dadating din tayo sa panahon na yan.😉 i miss you too pichie! *hugs*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s