Grace is not called amazing for nothing

Babala: May mga tatalakayin medyo nakakaiyak sa buhay ng manunulat. Medyo magdadrama lang ng panandalian. Huwag mag-alala babalik rin tayo sa dating ligaya.

Madami na akong nakitang taong gumawa ng kakaibang bagay sa ngalan ng pag-ibig. Madami na rin ang nagbuwis ng buhay para sa mahal nila. Pero paano kung hindi mo mahal ang isang tao? Gagawin mo bang magmahal at magbuwis din ng buhay para sa kanila?

“Hindi mo kayang bayaran ang pagmamahal . . .”

yan ang sabi ko kanya. Sandali, sino ba itong taong ito? Hindi ko na masyadong bibigyan ng background pero para maintindihan niyo, minsan na niyang sinira ang relationship naming pamilya. Nagkahiwa-hiwalay kami dahil isa siya sa mga sumira ng aming code of trust. Matagal na yun, maayos na uli kaming pamilya pero hindi pa rin siya nagbabago. Hay . . . Moving on. Kinausap niya ako nung isang umaga at sinabing “babayaran ko lahat ng ginastos mo para sa akin.” Siyempre nabigla ang inyong lingkod at sinambit ko ang mala-Robin Padilla na linya “hindi mo kayang bayaran ang pagmamahal . . .” sabay walk out. nuks! Ang taray!

*Ahem*

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang bayaran lahat ng ginastos namin, ako at ng mommy ko, kaya kinausap ko ang aking kaibigan/ka-opisina. Binigyan niya ako ng isang matinding pangaral na hindi ko makakalimutan. Sabi niya “Ana, hindi pa niya nararamdaman ang tunay na pagmamahal kaya hindi niya ito maintindihan. Ikaw at ang inyong pamilya ang taong makakapag-express ng pagmamahal ni Jesus sa kanya.”  Para akong inislash ng laser sword sa puso. Durog pati laman loob. PAANO KONG MAMAHALIN ANG TAONG YUN???? Pinilit ko noon at ngayon sasabihin niyang babayaran niya???? GRAAAA~ (buti nalang hindi ako marunong magmura).

Madali lang actually ang sagot sa aking dilemma—Grace. No, hindi siya tao. Hindi rin siya hayop. Er. . . o siya, seryoso na.

Grace is the unmerited favor of God to his people. Meaning we don’t deserve it, BUT because of His goodness He gave us His blessings.

Dati din naman akong may sala at nakasakit ng mga tao. Pero pinatawad ako ni God dahil meron namatay para sa mga kasalanan ko, at yun si Hesus. Ang tanong, bakit ko ipagkakait yung pagmamahal na yun sa taong nakasakit sa akin? Masmataas ba ako kay God para hindi magpatawad? Dito ngayon masusubukan ang aking pagiging Kristiyano.

Itutuloy

current mood: inaantok na talaga

3 thoughts on “Grace is not called amazing for nothing

  1. Pingback: Grace is not called amazing for nothing (Part 2) « coffee cup adventures

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s