Grace is not called amazing for nothing (Part 2)

Paalala: hindi pinagbabawal ang malungkot, mapag-isip, at umiyak. Pero kung iiyak tayo siguraduhin meron pangsalo sa luha at uhog na tutulo, baka matuluan ang keyboard. Ew~

“You can’t give what you don’t have,” yan ang sabi ng ate ko. Kaya kung hindi ka pa nakakaranas ng tunay na pagmamahal, paano mo maipapamahagi ang tunay na pagmamahal sa iba?

Sa situation ko at ng taong nabanggit ko sa nauna kong post maslamang ako sa pagmamahal. Isa ako sa mga pamalad na nilalang na may mabait na pamilya, pinalaki at binusog sa pagmamahal. Pinagpala rin akong makilala si Jesus ng bata palang at binigay na ang buhay ko sa kanya bago pa man ako maghigh school. Siya naman sa kabilang dako, puno ng hinanakit at walang pinagkakatiwalaang tao. Sad, but true. *sigh*

The next step

Pagkatapos kong kausapin ang aking kaibigan tungkol sa aking situation I asked her to pray for me. Nagpatawad din ako at humingi kay God ng extraordinary grace to love the person.

Nung gabi rin na yun ay nilapitan ko siya, nakaupo siya sa kanyang wheelchair, medyo nabubulag na siya at naririnig lang niya ang aking mga yapak. Habang papalapit sa kanya alam kong wala nang galit at inis sa aking puso at awa nalang sa kanya ang nararamdman ko. Hinalikan ko siya sa ulo at pagkatapos ay niyakap siya. Niyakap ko siya ng yakap na hindi ko pa nabibigay sa kanya noon, niyakap ko siya ng yakap na may pagmamahal.

Dito ko mapapatunayan ang lakas ng tunay na pag-ibig. Habang niyakap ko siya hindi siya umiyak, humagugol siya. At niyayakap niya ako ng masmahigpit kesa sa yakap na binibigay ko sa kanya. Matinding awa ang naramdaman ko dahil ito ang mga bagay na hinahanap niya pero walang nagbibigay sa kanya. Pagkatapos ay humingi ako ng tawad sa mga nasabi ko sa kanya at humingi rin siya ng tawad sa akin. Pinagpray ko rin siya, matapos nun ay parang umaliwalas ang buong paligid, sarado ang ilaw kung nasan kami pero parang ang liwanag ng lugar. Nakatulog ako ng mahimbing nung gabing yun.

All you need is love

Hindi ko magagawa lahat yun kung hindi ako nakakatanggap ng pagmamahal na galing kay God. It’s not easy to love the unlovable. Pero dahil meron akong matinding example na tutularan, naging madali ito. Yun ang example ni Jesus sa cross. He died for you and me.

Tignan mo ang paligid mo, madami kang makikitang taong masasabi nating wala nang kinabukasan. Ilan tao nang nakasakit sa ating damdamin? Ilan nang taong nanloko sa atin. Lahat tayo, walang kwenta. Lahat tayo selfish. Pero meron nagmalasakit para sa atin. Sinabi ko na at sasabihin ko uli, Jesus died for you and me.

Sa taong nagsinungaling sayo . . .

Sa taong sinaktan ang iyong damdamin . . .

Sa taong sumiral ng iyong dangal . . .

Sa taong pumatay sa mahal mo sa buhay . . .

Sa taong kailan man sa tingin mo hindi mo mapapatawad . . .

Namatay si Jesus para sa kanila, para sa akin, at para sa iyo. Kung meron man magbibigay ng unconditional love Siya na yun. Nasa iyo kung tatanggapin mo yun o hindi. Pero sana huwag mong palampasin ang pagkakataon.

17And I pray that you, being rooted and established in love, 18may have power, together with all the saints, to grasp how wide and long and high and deep is the love of Christ, 19and to know this love that surpasses knowledge—that you may be filled to the measure of all the fullness of God. (Epehesians 3:17-19)

Tuzki Bunny Emoticon current mood: masaya ako pramis.

2 thoughts on “Grace is not called amazing for nothing (Part 2)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s