Pasukan na naman!!!!

Pauskan na na naman. Siksikan na naman sa kalasada at para sa mga commuter na tulad ko, nightmare na naman sa MRT. First day sa mga freshmen means school orientation day. Yihee! Bagong chapter sa buhay mo bilang isang mag-aaral.

Pagpasok sa classroom may kakaibang simoy na sa first day mo lang maamoy—ang amoy ng National bookstore.  Mga bagong notebook, bagong bag, bagong sheet ng papel na kakapilas lang sa bagong “intermediate” pad paper, bagong Dong-A point 3 gel pen na may sticker pa, at higit sa lahat bagong uniform ng mga bago mong classmates na may spray ng bago nilang cologne. Ahhhhh . . .  yes, first day of school.🙂

Get one whole sheet of pad paper

Kung isa kang transferee sa paaralan madami kang makikitang new faces, yung iba pa nga ay magiging crush mo. Yikee! And speaking of new faces, naalala ko bigla ang first day ko nung high school. Naalala ko maulan noon at nagbrownout pa, walang ilaw at walang electric fan. May mahigit na 40 na kataong nag-aagawan sa hangin sa loob ng isang maliit na silid at bago pa man dumating ang alas singko, may migraine na ako. badsyats!

Naalala ko rin mga classmates ko noon. May mga matatalino, may hindi gaano. May patawa at meron naman nagpipilit magpatawa. Kung pagtatabihin ko kung sino sila noon at kung sino at kung ano/sila ngayon kapansin pansin na karamihan ay may malaking pinagbago. Ang dating magaling sa math and science ay isa nang theater actor. Ang dating nerdy sa klase ay isa na ngayong health buff. Ang dating nilolokong panget ay isa na ngayong artista/model. Ako lang ata ang hindi nagbago, kasi cute ako noon at ngayon ay .  . . well, cute pa rin. LOL bakit ba?

Para lang yan intermediate pad paper, bawat sheet ay may kanya kanyang purpose. Yung iba ay pang math quiz, yung iba pang essay, yung iba pang origami kapag yamot ka na sa klase, at yung iba naman ay pangpunas sa nagtaeng ballpen. Lahat ng iyon ay galing sa isang pad pero hindi pa natin alam kung para saan ang bawat sheet hanggat di pa ito napipilas.

Our lesson for today is . . .

Sa aking pagbabalik tanaw may natutunan akong isang magandang aral—huwag mong husgahan ang classmate mo sa naachieve niya o sa hindi niya naachieve nung hign school. Magkakahiwahiwalay na kayo pagdating ng college at hindi mo na alam kung anung mangyayari sa kanya sa mga panahon na yun. Malay mo kung si Maria Clara ay magkakaroon pala ng anak sa kanyang pagkadalaga. Malay mo kung si Nerdy pala hindi physics at chem ang gusto kung hindi performing arts. Malay mo si Class Clown pala ag susunod na Steve Jobs. At si cheerleader na crush mo? Tataba rin siya, believe me.

Ngayong first day of classes, tignan mo ang mga makakasama mo sa susunod na ten months. Kilalanin mo sila dahil hindi mo alam ang mga lessons na matuturo nila sayo na magagamit mo sa iyong future. Sinong may sabi na ang teacher/professor lang ang pwedeng maglecture? Pero babala na hindi lahat ng lessons ay pwedeng tularan, maging matalino at piliin mabuti ang magiging kaibigan. Sabi nga sa bible

“Everything is permissible”—but not everything is beneficial. (1 Corinthians 10:23)

i-enjoy mo lang ang panahon na ikaw ay nag-aaral pa para sa future madami kang makkwento at maisusulat na malay mo pwede mong pagkakitaan. Hehe!

Para sa mga mag-aaral, Happy First Day of School Year 2010-2011! Galingan niyo!😀

current mood: let’s do the funk, let’s do the first day funk.

6 thoughts on “Pasukan na naman!!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s