25 facts about the coffee cup girl

Naisipan kong isulat ito dahil gusto kong bigyan ng pagkakataon ang mga mangbabasa na makilala ng konti ang taong nagsusulat sa Coffee Cup Adventures. Okay lang sa akin kahit hindi niyo basahin lahat. hehe!😛

  • Ginamit ko ang pseudonym na “Anatotski” nung highschool ako. Pero bago ang pangalan na “Anatotski” ginagamit ko muna ang pangalang “Ananski” na pseudonym sa mga video games na nilalaro ko noon. Galing ito sa isang banda nagngangalang Skunk and Anansi. Hindi na ata sila sumikat at hindi na rin pumayagpag pa ang paggamit ko ng pangalang ito at nag-evolve na sa, alam natin ngayon, “Anatotski.”
  • Ang ibig sabihin ng totoo kong pangalan ay “Grace to the wearisome.” Ano yung tunay kong pangalan? sikret!
  • Pinanganak ako sa Zamboanga. hindi ako marunong mag-Chavacano.
  • Half Spanish tatay ko at kamukha niya si Noel Trinidad. Ngayon ko lang din nalaman, thanks to Facebook, na may “Vincent” pala sa pangalan ng tatay ko. Daddy’s girl ako.
  • Pure Ilokana ang nanay ko. Matipid siya kaya nag-aral siyang manahi. Magaling siyang manahi at yung ibang damit ko siya ang gumawa. Yes, I love my mommy.😀
  • Hindi ako madalas mamili ng sarili kong damit. Karamihan ng damit ko, kung hindi tahi ni mommy, bigay sa akin. Para akong may sponsors.
  • Mahilig rin akong mamigay ng damit at sapatos. It’s a cycle of blessing.
  • Sensitive ang aking taste buds. One time kumain ako ng maalat at maahang na chips, namaga ang aking taste buds. Isang linggo akong walang malasahang pagkain. Parang candle wax coated ang aking dila, ganun ang experience. Badsyats! >_<
  • Nissin yakisoba ang aking comfort food. Walang binayad sa akin ang Nissin para isulat ko ito. Hindi ako kumakain ng mayonnaise, ketchup, mustard, bagoong, at hipon dahil ayaw ko ang lasa nila. Ang salad ko madalas walang dressing.
  • Kinahihiya kong aminin na natatakot ako sa tunog ng flush sa toilet ng eroplano. Kapag mag-fflush na ako sinisigurado kong walang mahuhulog na gamit ko sa toilet, hihinga ng malalim, magfflush, saka tatakpan ang tenga. Para kasi akong hihigupin!!! Buti nalang at nalaman kong hindi ako nag-iisa sa kawirduhan na ito. *phew!*
  • Mahilig akong magtravel pero ayokong mag-impake.
  • Lumaki akong hindi ko nahiligan ang math. Nagsisisi ako at ngayon ko lang nalaman na madali lang pala ang math kung pinilit ko lang siyang intindihin. Kaya kapag mag-aasawa ako gusto ko ng lalaking magaling sa math para matuto ako sa kanya.
  • Dati gusto ko magka-asawa ng doctor, ngayon ayoko na. On-call kasi siya kapag pasko at new year. Ayoko ng ganun. >_<
  • Proud to say na hindi pa ako nagkaroon ng boyfriend. Aantayin kita mahal ko. yihee~🙂
  • Kapag hindi ako nagmamadali umaabot ng 30-45 minutes ang aking pagligo. Dito na ako nag-isip ng konsepto sa aking artwork at blog. Sa shower room na rin ako minsan nagquiet time. Ewan ko ba kung anung meron sa CR at nakakapag-isip ako ng maayos at nagiging creative. I-convert ko na kaya yun na home office . . . hmmm.
  • Hindi ako mahilig sa water sports. Actually hindi ako mahilig lumangoy sa swimming pool. Nalunod na kasi ako noon at simula nun natakot na ako. Gusto kong kumuha ng swimming lessons pero gusto ko may kasama ako. o_o
  • Wag kayong magrequest na tutugtugan ko kayo sa viola ko. Na train akong tumugtog sa orchestra at ang mga piyesang napag-aralan ko ay puro alto part. Hindi rin madaling maghanap ng piyesang pang viola dahil sa C-clef ang mga nota nito, sanay akong magbasa sa C-clef. Pero kung meron nagpumilit, sige, tugtugan ko kayo ng “Hallelujah Chorus” alto part.
  • Pinangarap kong tumugtog sa orchestra nung 8 years old ako. 13 years later natupad ang pangarap kong yun. Libre lang ang music lessons ko at binigyan pa ako ng sarili kong instrument. Ganun ako kamahal ni Lord. :”>
  • Mahilig akong tumawa. Hindi ako nahihiyang tumawa ng malakas kapag natutuwa ako. May nagsabi rin sa akin na kapag tawang-tawa na raw ako parang remix daw yung tawa ko. Sana marecord ko ito baka may DJ na bumili, kumita pa ako.😀
  • Naniniwala ako na kung marunong ang isang tao iexpress ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng pag-sulat . . . isa siyang henyo.
  • Natuto akong magbasa nung grade one. Pero nung 5 years old ako akala ng marami na marunong na akong magbasa. Hindi lang nila alam na namemorize ko na yung librong “Old Mother Hubbard” na binabasa sa akin ng tatay ko gabi-gabi.
  • Isang compliment sa akin kapag tinawag akong “weird.” Kakaiba ako, ganun lang talaga ako mag-isip.
  • Kapag nasabi ko na sayo ng harap-harapan na “nauutot ako” ibig sabihin close na tayo. Pwede ko nang ipagkatiwala buhay ko sayo.
  • Pinangarap kong makasali sa “Little Miss Philippines” nung bata ako. Hindi ito naikasatuparan. Sadyang hindi nakasulat sa aking kapalaran ang maging isang child star.
  • Lastly, ang pinakaimportateng fact na gusto kong ishare sa lahat. Binigay ko ang buhay ko kay Jesus noong August 30, 1996. Nagkaroon ng saysay ang aking buhay simula nun.

Yun lang! Salamat sa pag-ubos ng oras niyo sa pagbasa ng self-centered post na ito. Sana may napulot kayong aral. Kung wala ok lang mahal ko naman kayo!😀

current mood: nagdidistress.

20 thoughts on “25 facts about the coffee cup girl

  1. Analeah. Hahanapan kita ng piyesa ng viola, at tumugtog ka sa Dine and Jam. Hindi kita mamadaliin, pero KAILANGAN MONG TUMUGTOG DITO, bata ka.

  2. Two things:
    1. Sana makapag sewing lessons na ako sa mudrax mo😀 Kating-kati na akong manahi promise!😀 Balak kong gawing hobby yun pag buntis na ako. Hehehe :p

    2. Di rin ako marunong lumangoy kaya pwede tayong classmates sa lessons😉

  3. Gandang umaga Anantotski! Naaliw ako sa pag basa 25 facts about you at eto hindi pa ako nagsisimula mag trabaho. Napakagaling mong sumulat at sa palagay ko hindi ka weird. Ika’y isang henyo!😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s