Mga Pasasalamat

Magtatatlong taon na pala ang Coffee Cup Adventures at sa mahigit dalawang taon ng pagsusulat ko dito madami nang naging milestones ang blog na ito. Hindi ko inaakalang madami magbabasa ng posts ko dito. Dahil tagalog akong magpost, hindi ko na inaasam na makarating ang aking blog sa kabilang dako ng mundo, nakalimutan ko na madami nga palang Pilipino sa ibang bansa kaya nakakarating ito sa malayong lugar. Sa lahat ng mga Pilipino na nasa ibang bansa na nagbabasa nito maraming salamat sa pagbigay ng oras sa pagbasa ng mga posts ko.🙂

Kamakailan din lang na may nag-review ng aking blog. Nagkataon na nakita niya ang Coffee Cup Adventures sa TopBlogs.com.ph at sinulatan ako ng review. Maraming salamat sa review, nakatulong ito para mag-improve pa ako at natuwa akong malaman na meron akong napapasayang mga tao sa aking mga sinulat.🙂

Sa mga dayuhan na nagbabasa ng blogs ko kahit hindi ninyo ito maintindihan, maraming salamat! Sana nga lang ayusin ng google ang kanilang translation noh, para magkaintindihan tayo ng maigi. Tsk!

Sa mga kaibigan ko at mga hindi ko kakilala na naglagay ng Coffee Cup Adventures sa kanilang blogroll marami rin salamat. Madami akong napupulot na aral at inspirasyon sa inyong mga blogs.

Sa mga taong nagcocomment sa aking mga posts, gusto kong ipaalam sa inyo na ito ang nagbibigay sa akin ng energy para magsulat ng magsulat. Comment driven blogger ako. Kumpera sa blog stats masnatutuwa ako kapag may nagcocomment sa posts ko. Sadyang mahilig lang ako sa interaction.🙂

Sa mga mambabasa ng blog na ito gusto ko lang ishare ang isang good news sa inyo, last week umabot ng mahigit 6,000 ang unique hits ng Coffee Cup Adventures, alam kong konti palang ito kumpera sa ibang mga sikat na bloggers pero para sa akin isa itong milestone bilang isang manunulat. Sana patuloy pang pumayagpag ang blog na ito at sana madami pa akong taong mapasaya sa mga nasusulat ko.

Maraming maraming salamat! Sana hindi kayo mag-sawang bumisita sa Coffee Cup Adventures.🙂

current mood: inaalalang libre ang mangarap

8 thoughts on “Mga Pasasalamat

  1. Alam mo kapag binabasa kong blog mo, parang nakikita kong sarili ko sa’yo.
    Yun pala, September din buwan ng kaarawan mo. Haha! Almost 80-90% ng mga sinabi mo, parang ako eh!XD
    Congrats pala sa 6000 hit! Ako nga 13 pa rin ang nag-view…>,<

    • Hi kathleen! Maraming salamat sa pagbisita at pagbasa sa blogs ko. Nakakatuwa naman malaman na nakaka-relate ka sa mga topic ko. Sana mabasa ko rin blogs mo. Iwan ka ng link next time para pampadami ng hits.😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s