Ang overtime, ang spa, at ang burger: Kwento ng taong generous at ang blog na may mahabang title

Nung bata ako favorite na favorite ko ang Pasko at aking kaarawan. Dahil ito ang mahiwagang araw kung kailan ako nakakatanggap ng mga regalo galing sa prens and pamiliessss. Noon yun. Ngayon nahihiya na ako kapag nakakatanggap ako ng regalo sa mga araw na nabanggit . . .

WUSHUS!!! Sino bang niloloko ko??! Op cors gusto ko pa rin nakakatanggap ng regalo noh! *ahem*

Kung papipiliin between mamigay at tumanggap malang maspipiliin natin tumanggap diba? O ako lang yun? Masarap kapag ikaw ang nasa receiving end. Pero meron akong kilalang nilalang na masnakakakuha siya ng pleasure sa pagbigay kesa sa pagtanggap. Mapalad ang mga kaibigan niya dahil nature niya nang mamigay. Mapalad ako dahil isa ako dun. Heheh!

Ano bang meron sa taong ito? Actually nakakabless siya, hindi dahil sa mga natatanggap ko galing sa kanya kundi ang kanyang attitude pagdating sa giving. Ang kanyang generosity ang gusto kong tularan.

Excellence in giving

Isang gabi galing sa isang overtime, patang pata ako at gusto ko nalang matulog. Pero hindi pwede dahil ang bahay ko ay isa’t kalahating oras ang layo sa opisina. Matutulog muna ako sa MRT bago makatulog sa kama. Lumapit sa akin ang aking kaibigan at sinabing “tara magpa-massage tayo.”

“ayoko, hindi yan kasama sa budget ko.” Dahil hindi talaga ako gagastos kapag wala sa budget.

“akong bahala sayo” sagot niya.

“Weh?” O_O walang kwenta kong sagot.

Long story short, pina-spa niya ako at isa pa naming kaibigan. Pagkatapos noon may libreng dinner pa at hatid sa bahay.

O_O wuw!

She could have stopped sa spa treatment. Dahil para sa amin malaking blessing na yun. But no, may dinner pang kasama at may hatid pa sa bahay. Pag-uwi ko nagpasalamat ako kay God. Nagpasalamat ako sa Kanya dahil alam Niya ang needs ko kahit hindi ko ito hingiin sa Kanya, at kahit wishful thinking lang ang magpamasahe tinupad Niya ito. At bago ako magpasalamat sa kabaitan ng aking kaibigan napagtanto ko lang na yun ang klase ng generosity na gusto ni God—the kind of generosity that will glorify Him. Then I was reminded of these verses in 2 Corinthians 9:11-12

11You will be made rich in every way so that you can be generous on every occasion, and through us your generosity will result in thanksgiving to God. 12This service that you perform is not only supplying the needs of God’s people but is also overflowing in many expressions of thanks to God.

Dahil sa kanyang generosity naalala ko ang goodness ni God. She became a channel of God’s blessing. Gusto ko ng ganun. Gusto kong maglorify si God sa mga ginagawa ko. Kahit gaano kaliit o gaano kasimple, people will see God and will eventually lead people to worship Him.

Lahat tayo may maibibigay at hindi lang ito limited sa monetary unit. We can give our time, service, advice, at kung anu-anu pa. Pero ang challenge dito ay ang ating motibo. If we want to win man’s favor ikaw ang sikat at bida, pero kung gusto natin maglorify si God, people will see God in us and He will be glorified.

Napakaganda lang ng lesson na ito. I hope hindi lang ako ang na inspire sa kanyang generosity. At para sa aking kaibigan, hindi malayong ibebless ka pa ni God.🙂

current mood: inspired.

6 thoughts on “Ang overtime, ang spa, at ang burger: Kwento ng taong generous at ang blog na may mahabang title

  1. Pingback: Preparing for the Battle | coffee cup adventures

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s