Brotherly love

Isang Sabado habang tahimik na kumakain ng almusal may nasaksihan lang ako na isang pangyayari na nag-udyok sa akin na sumulat ng isang blog post para sa aking mga kuya. Ikkwento ko ang nangyari.

Naglalakad yung kapitbahay namin na babae sa harap ng aming driveway, nasa 13-15 ang kanyang edad at may kapayatan ng konti. Kung san kasi ako nakaupo sa aming dining area kitang kita ko ang harap ng aming driveway at hindi maiwasan na mapansin ko ang mga tao dumadaan dun. Anyways, habang naglalakad ang babaeng nabanggit paparating naman ang kanyang kuya (nasa edad na 17 pataas) at tinulak nalang ang kanyang kapatid na babae. Wala naman imik itong si girl at lumakad nalang ito nang parang walang nangyari. Napailing nalang ako. Sabi ni mommy ok lang daw yun kasi magkapatid naman sila at ganun daw talaga sila sa bahay.

“Yun nga yung problema dun” sabi ko sa aking nanay. “Kasi kung sanay na siya na ganun ang trato sa kanya sa bahay, paano nalang sa ibang lalaki na makakasalamuha niya? Hindi niya alam kung paano siya dapat tratuhin ng maayos.” 😦

“Sa bagay. . .” sabi ni inay.

Salamat sa dalawa kong kuya

Napaisip tuloy ako sa aming magkakapatid, at masasabi kong blessed ako sa aking mga kuya. Bata palang kami tinuturuan na kami ng aming mga kuya umasal ng tama. Naalala ko noon sabi nila kuya na wag na wag kaming maglalakad sa labas na may hawak na suklay at nagsusuklay sa mga public places. Ang pangit nga naman tignan ng isang babae, gaano man ito kaganda, na naglalakad na may hawak na suklay o di kaya nagsusuklay nalang kung saan-saan. Kung gusto daw naming mag-ayos ng buhok pumasok daw kami sa CR at dun magsuklay o kaya mag-ipit nalang kami ng buhok namin. Hindi lang ito ang kanilang tinuro, tinuruan din kami ng proper dining etiquette, magdrawing, self-defense, at iba pa.

“Manliligaw ba kamo?”

Isa sa mga pet peeves nila kuya ay ang mga babaeng umaarte sa mga boys. “Wag ka muna magboyfriend! Nag-aaral ka pa!” yun ang sinasabi nila kuya sa amin nung nag-aaral pa kami ni ate. “Kung magkakaroon ka ng boyfriend ipapakilala mo muna ito sa akin, dito, dito, dito . . .” habang tinuturo ang mga knuckles nito (ito naman ang panakot nila sa amin). Naging successful naman sila at hindi kami nagkaroon nila ate ng boyfriend nung nag-aaral kami, it saved us from a lot of heartaches. At sa tingin ko pasasalamatan ng future husband ko sila kuya kapag nalaman niya ito, dahil laking tuwa rin ng asawa ni ate nung nabalitaan niya na siya ang one-and-only ni ate. Hehe! Ang keso!

Kung date lang ang habol namin walang problema yun kila kuya. Mga dates naming magkakapatid ay sa mga video arcades, wall climbing, mountain climbing, at beach galore (or galera for us), minsan sa theme parks kung may budget. Sure, puro panglalaki ang mga activities namin pero masaya naman ito. Natuto akong magbike at maglakad ng mabilis dahil sa kanila. Naalala ko nung kinder ako, sila kuya rin ang naghahatid sa akin papuntang school, malayu-layong lakaran yun. At para makahabol ako kailangan kong lakihan ang aking mga hakbang, thus I walk faster than the average women my age (kapag hindi ako naka-heels). Nagmana rin pala ako sa tatay kong mabilis maglakad.

Tinuruan kami nila kuya na tratuhin ang mga boys na kasama namin na parang kapatid din namin. Hindi kami pinagbawal makipagkaibigan sa kanila dahil alam nila na we will treat men with respect the same way we treat our brothers with respect. Respect begets respect. Kung alam ng mga lalaki, o kung sinuman, na hindi ka kabastos-bastos, hindi ka nila babastusin.

Higher standards

Mataas ang standard ko sa magiging husband ko, hindi dahil wishful thinker ako, kundi dahil alam kong meron nag-eexist na nilalang na tulad ng mga kuya ko. Alam ko na meron nag-eexist na lalaking mahal si God, matalino, mabait, sweet, at higit sa lahat *ahem* gwapo. I don’t really mind kung may sarili itong kotse o bahay at lupa sa lugar ng tralala, ang importante sa akin responsible at higit sa lahat God-fearing (wealth will follow).

May mga anak sila kuya na mga magagandang babae at alam ko na lalaki silang maayos, hindi maarte, at secured sa kanilang pagkatao. Sa mga guys na may younger siblings (especially kung babae ito) please treat them well. Magdate din kayo, move a notch higher and give them roses sa valentine’s day o di kaya sa birhday nila. Let them feel special, para kapag may manligaw na sa kanila hindi kagad nila isusurrender ang bataan dahil lang binigyan sila ng bulaklak at sinabihan ng “I love you.”

“You’ve got to do better than that . . .” sasabihin ng inyong kapatid sa kanilang manliligaw, “because my brother treats me like a princess.” 😉

Para sa aking mga kuya: Alam kong binabasa niyo blogs ko, mag-iwan naman kayo sa comments! Nasa ilalim lang yung ng title ng blog post ko, click niyo yung nakasulat na comments. Love you both!


Tuzki Bunny Emoticon current mood: loved

8 thoughts on “Brotherly love

  1. Ana, bakit mas maraming taga ibang bansa ang nagbabasa ng posts mo? mabuti nlng may google translator. hehe nice post btw

    • Oo nga eh. Iniisip ko nalang na madaming Pilipino sa ibang bansa na nagbabasa nito. 🙂

      Thanks Kim! btw sa August 28 ang 3rd year anniversary ng Coffee Cup Adventures. Gusto kong icelebrate. hehe! 😀

Leave a reply to Dani Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.