Nagbabalik si Inday!

4 years old: Iniiwan na ako nila mommy mag-isa sa bahay. Wala kaming helper/yaya. Natuto akong kumain mag-isa at aliwin ang sarili.

Bago ako pumasok sa paaralan: Tinuruan akong magpunas ng ibabaw. Alam ni mommy kapag hindi ako nagpunas ng ibabaw, at kapag nahuli niya ako sasabihin niya β€œpwede ka na magtanim ng kamote sa kapal ng alikabok.” Napagtanto ko na sa kanya ko namana ang aking creativity sa paggamit ng tayutay (figures of speech).

Grade 1: Inatasan akong maghugas ng pinggan sa breakfast. Si ate sa lunch at si kuya sa dinner. Bawal kaming manood ng TV o kaya maglaro kapag hindi pa hugas ang mga pinggan. ANG LUPIT MO MUNDO!

Grade 3: Dumadami na ang aking household chores. Isa na rito ang pagtiklop ng damit at pagplantsa ng sariling uniform. Hindi maayos damitan ko noong bata pa ako at kung hindi kami mamamalantsa papasok kami sa school na lukot ang aming damit.

Grade 5 hanggang highschool: Household management naman ang aming lesson. Maglinis ng buong kabahayan, magluto, at maglaba. Alam dapat namin magschedule ng aming chores para hindi ma-compromise ang aming pag-aaral.

College: Kailangan na namin kumuha ng helper. Hindi na namin kaya mamaintain ang bahay dahil erratic na ang schedule namin. Nagkaroon na kami ng helper at tumaas na ang grades ko sa school.

Kung idedetalye ko ang lahat mabobore lang kayo at mapapagod sa ikkwento ko. Wala na naman kaming helper ngayon, at erratic pa rin schedule namin lalo na ngayon na ako na ang nagttrabaho at si mommy naman ang nag-aaral. Naisulat ko ito dahil muli kong binabalikan ang mga natutunan ko nung bata pa ako pagdating sa household management. Akala ko nakalimutan ko na, hindi pa pala. And por dat nakapag-isip ako ng dalawang benefits ng isang indibidwal na natuto ng chores ng bata palang:

  1. Natuto maging responsible.
  2. Alam kung paano maging maparaan.

Ngayon meron mga nag-aaply sa amin masasabi ko na mahirap palang maging HR. Hindi pwede ang pwede na, hindi pwede ang substandard na performance. Sa pagbabalik tanaw sa mga natutunan ko noon at sa sitwasyon namin ngayon nagpapasalamat ako sa mga training na natutunan ko, pero naisip ko na madami pa pala akong dapat matutunan. Hindi pa ako expert.

Pagkatapos kong ipost ito isasarado ko na ang aking computer at aayusin ko pa kwarto ko. Humanda kayo alikabok! NAGBABALIK SI INDAY!!!

current mood: Kapoy bai.

15 thoughts on “Nagbabalik si Inday!

  1. ang cute!πŸ™‚ i cant remember but was it you na nagteach sakin magwalis? super responsible mo since before paπŸ™‚ love this!πŸ™‚

    • Hi gene! salamat sa comment na aappreciate ko talaga ito. ^_^

      Ako nga ba nagturo sayo? di ko na maalala. hehe!πŸ˜› Salamat, natuto lang sa military training ni mudrax. haha! Mahirap pero very thankful na napagdaanan namin ang ganung training.πŸ™‚

  2. hahaha, kami din ate ana super divide ang mga gawaing bahay kasi apat kaming magkakapatid! super convenient nga pag naglalaba kasi 3 kaming nagbabanlaw at isang tagasampay (pero wala samin ang gustong magsampay kaya ang madalas mangyari, apat kaming nagsisiksikang magbanlaw!). hehehe

  3. hindi mo nakwento nung mag aklas na si kuya entong naa api, kase ba naman sya ang dinner dishwasher kaya yung mga pinag lutuan ng ulam at iba pang kaldero naiiwan sa kanya. sobra na, tama na makibaka!!

    • Hay naku! pinaalala pa! at dahil nag-aklas si kuya kami tuloy ni ate vane ang naghati sa paghugas ng dinner. Dahil dun natuto akong makipag-negotiate sa kataas-taasan. hahah!

      P.S. sa wakas kuya nag-comment ka na rin! love you! :-*

    • Salamat sa pagdapo sa blog ko jong-su! (natetempt akong ilagay totoo mong pangalan). Yup, mahirap nga. Tama ka para ngang judge sa isang show. hehe!

      Kailangan ipagpray ang kukunin na helper, yung swak na swak sa amin (dapat din pala mahilig sa aso).

      Namiss ko rin ang happening kagabi. See you guys sa office.πŸ™‚

  4. hi! vcf din ako. sa alabang nga lang. sobrang aliw yung blog mo esp. yung tungkol sa pagiging single. siguro natuwa ako kase nakaka-relate. haha!

    • Hi Racquel! Salamat sa pagbasa ng mga posts ko.πŸ™‚

      Haha! Mabuhay ang mga singles! I’ve been contemplating about that topic again, so baka may ipopost uli ako about “waiting”. We are in a very unique season, kay enjoy lang natin muna ito.πŸ˜‰

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s