Sit. Hold. Get it!

Watch the video

Namulat ako sa mundong ito may aso na kami sa bahay. Twenty plus years na akong may kasamang aso sa bahay kaya sa tingin ko pwede ko nang tawagin sarili kong “The Dog Whispherer” er . . . hindi pa pala.

Meron kaming dalwang aso ngayon—si Beloy (half black Labrador, Half Japanese Spitz: Male) at si Marley (100% Asong Pinoy: Female). Wala kaming problema kay Beloy kapag papakainin kasi kalmado lang siyang aso. Uupo lang siya at kapag ilalapag na ang kanyang pagkain saka lang ito kakain. Si Marley bilang isang tunay na Aspin (Asong Pinoy) ay masyado masayahin. Talon dito, talon doon, at kapag pinapakain na masmadami pa siyang talon. Hindi na ito cute kasi nakakalmut niya na kami. Dahil dun binigyan namin siya ng special rules bago kumain, ang Sit. Hold. Get it!

Ang aso sa bahay ay aso lang, ibig sabihin hindi namin ito tinuturing na tao. Kapag ginawa namin yun hindi na nagiging malinaw ang lugar nila o role nila sa bahay—ang maging isang faithful na asong bantay. Hindi kami pwedeng utusan ng aso. Hindi kami papayag na tahulan kami at angilan kami kapag gutom sila. Kailangan nila kaming antayin na pakainin namin sila. Hindi naman namin ginugutom ang mga aso namin so no worries. Kaya kapag excited si Marley hindi pa namin ilalapag ang pagkain niya, kapag ginawa namin yun ang maiintindihan ng aso ay nire-reward namin ang kanyang kakulitan. In effect masmagiging makulit ito every time na kakain siya.

Sit – Kailangan namin makita na kalmadong nakaupo ang aso sa isang lugar. Mga one-foot away sa magbibigay ng pagkain.

Hold – Kahit malapit na sa bibig ng aso ang pagkain basta sinabi namin “hold” hindi dapat niya susunggabin ang pagkain. Kapag kukunin niya ilalayo namin ito.

Get it! – Good dog! You deserve a reward.🙂

I train the dog but the dog taught me a valuable lesson about waiting. Actually ito ay issue ng trust between the dog and the master. Alam ni Marley na magbibigay ako ng food, at para makuha niya ito kailangan niyang mag-obey sa commands ko. Hindi niya kailangan mag-makaawa, hindi niya kailangan magalit sa akin, susunod lang siya.

Sa atin naman mga tao, alam natin meron promises si God para sa atin. Sabi sa Jeremiah 29:11

For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.

Hindi ko alam ang promises ni God sa inyo pero ito lang ang mapapayo ko—Sit. Hold. Get it!

Sit – Chillax. Sit at Jesus’ feet and trust Him. Binigay naman na niya ang promise Niya sa atin.  Let’s sit and just trust our Master.

Delight yourself in the LORD and he will give you the desires of your heart. (Psalm 37:4)

Hold – Wag uunahan si God. Huwag natin ittwist ang kamay ni God para lang makuha gusto natin. Ibibigay naman Niya, pero we just have to wait and hold on to His promises.

The LORD is faithful to all his promises and loving toward all he has made. (Psalm 145:13b)

Get it! – Now is the time to enjoy His promises. Rejoice!

He has made everything beautiful in its time. (Ecclesiastes 3:11)

Kung gaanong ka-faithful sumunod ang aso sa kanyang master sana ganun din tayo kay God. Let’s learn how to sit and delight in His presence, hold on to His promises, and lastly, joyfully receive our rewards and rejoice with Him.

current mood: YES! Tatlong taon na akong nagbblog! Happeh Anniversary!

4 thoughts on “Sit. Hold. Get it!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s