Birthday Blues

Hindi ko alam kung napapansin niyo ito pero ang daming may birthday ng September. Sa aking kalendaryo, unang linggo palang, meron na akong kinantahan na apat na Happy Birthday song. Sa susunod pang mga linggo isa na ako sa kakantahan ng mapamosong kantang iyon.

Hay birthday . . .

Sa totoo lang hindi ako excited sa “espesyal” na araw na yun. Ewan ko ba, bigla nalang akong na depress (hindi dahil tatanda ako ng isang taon). Naisip ko, dahil siguro kapag birthday ko natataon na may malaking unos sa Pilipinas—ang Milenyo noong 2006 at ang Ondoy nung nakaraang taon. Sa susunod hindi na ako hihiling ng ulan sa birthday ko.

Speaking of birthday wish wala rin akong ginawang birthday wishlist ngayon. Kung meron man isa lang—washer-dryer. Grabe tumatanda na nga ako.

Ang tema ko siguro ngayon taon ay magbigay, magpasaya, at huwag maging makasarili.

At para sa mga mahal ko sa buhay na may birthday ngayon:

• Gagastos ako kahit may pinag-iipunan ako, para macelebrate natin birthday mo

• Magiging OK lang sa akin ang mawala sa red light district ng Makati para makita ka sa kaarawan mo.

• Babatiin pa rin kita kahit late na.

• Sisiguraduhin kong natanggap mo pagbati ko.

• Kahit sa tingin mo ang pangit mo na dahil tumatanda ka na, para sa akin maganda ka pa rin.

• Aattend ako sa party mo kahit ikaw lang kakilala ko.

• Kahit matagal na tayong hindi nagkikita memorize ko pa rin birthday mo.

Ang dami natin may birthday kung pwede lang sana ilipat muna sa ibang buwan ang kaarawan ko.

Hay birthday . . .

Tuzki Bunny Emoticon current mood: Happy birthday woopeedoodah~

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s