Bakit ko paborito si Einstein?

Nung grade three ako sa Reading class namin meron pinabasang poem ang teacher namin, tungkol ito sa isang batang madaming tanong sa buhay. Hindi ko na matandaan yung tula mismo pero natatandaan ko pa rin ang lesson namin tungkol dun.

Pinakuha kami ng teacher namin ng isang pirasong papel at isulat daw namin ang mga tanong na maiisip namin. Wag daw namin isipin ang sagot ng tanong namin basta magtanong lang daw kami at higit sa lahat wag kaming mahihiya sa itatanong namin. Ito ang mga tanong na ginawa namin:

Saan galing ang ulan?

Paano nakakalakad ang ants sa wall?

Saan galing ang tubig sa well?

Ang utot ba ay nakakasira ng ozone layer?

Bakit ang Baguio malamig eh malapit ito sa sun?

Ito lang ang mga naaalala ko.

Natuwa ako sa activity na yun kasi yung ibang tanong sinagot ng classmates namin at yung iba na hindi namin alam ang sagot ay sinagot ng teacher. Umuwi akong masaya dahil ang dami kong natutunan na bago nung araw na yun.

“Hindi ko alam.”

Sa iba mahirap itong sabihin, dahil sanay tayo na kapag may tinanong dapat may maganda kang maisasagot. Andun ang pressure na dapat alam mo ang sagot. Pero hindi ko talaga alam. Hindi ko alam pero gusto kong matutunan. Hindi ko alam kaya ako nagtatanong. I don’t have to pretend. Huwag tayong matakot aminin na hindi natin alam lahat dahil hindi naman talaga natin alam lahat.

Bakit? Saan? Paano?

Part ng learning process ang pagtatanong at pagiging curious sa paligid mo. Ang pag-amin na hindi mo alam sa isang bagay at sa pagkagusto mo ito maintindihan ay hindi sinyales ng pagiging inutil kundi bakas ng pagiging isang matalinong nilalang. Sabi nga ni Albert Einstein “I have no special abilities; I am only passionately curious.” Nuks!

Napansin ko na tuwing pinapakita ko sa tao na marunong ako maslalo kong nararamdaman ang kakulangan ko sa impormasyon. Kaya . . .

patuloy akong magtatanong.

Hindi ako matatakot malaman ng tao na hindi ko alam ang sagot.

Makikinig ako, dahil sa pakikinig natututo tayo. Kung tayo lang ang magsasalita at laging magbibigay ng sagot balang araw mauubos din ang sagot natin. At kung hindi tayo matututong magtanong at maging curious sa paligid balang araw mapapanis ang ating kaalaman.

We stop learning when we stop asking.

Matuto tayo kay pareng Albert na maging “passionately curious.”

Rakenrol!

current mood: inaatok ng bigs times.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s