Schindler’s List: Ang blog na walang kinalaman sa kanya at sa pelikula

Mahilig akong maglista.

• Lista para sa mga gagawin sa araw-araw

• Lista ng mga dapat bilhin

• Dapat dalhin

• Dapat maalala

Para saan ang mga listahan ko? Reminders. yun lang.

Pero meron nagsabi sa akin na ang listahan ay pwede rin gawin goals. Ano ba ang gusto kong maachieve sa buhay ko? Anu ba ang mga gusto kong makuha o mabili para sa sarili? Ano bang traits o qualities ang gusto kong iimprove? This advice may be good PERO kung hindi ko din naman isusurrender  kay God ang mga listahan ko, isa lamang itong listahan ng wishful thinking. Natanong ko na ba kung anung gusto ni God para sa akin?

Isang halimbawa last week ang paggawa ng listahan para sa qualities or traits that I would want to have for my future husband (nachallenge ako ng coach ko about it kaya gumawa ako). Pero tumigil ako at tinanong ang sarili . . . “natanong ko na ba si God? natanong ko na ba kung anung gusto Niya para sa akin?” So yun nga ang aking ginawa.

Lo and behold meron din Siyang listahan. Hindi ko na babanggitin pa dito sa post kong ito, sa amin nalang yun ni Lord, pero natuwa ako sa mga qualites and traits na binanggit Niya sa bible. Pinagtabi ko ang listahan ko at listahan Niya, masgusto ko listahan ni God at dahil dun mag-aantay ako sa mga plano Niya.

Kayo ba? Mahilig din ba kayo magplano at maglista? Natanong niyo na ba si God kung anung plano Niya sa buhay mo? Kung hindi pa I challenge you to start asking God. Hindi natin alam kung magkapareho o magkaiba pero ang importante plano Niya ang masusunod. Bakit? Dahil ang plano Niya sa buhay natin ay laging good, pleasing, and perfect. (Romans 12:2b)

P.S. You might also want to read Jeremiah 29:11.🙂

 

current mood: nagppractice ng poker face.

2 thoughts on “Schindler’s List: Ang blog na walang kinalaman sa kanya at sa pelikula

  1. natuwa naman ako sa post na ito. mahilig din kasi akong maglista ng kung anu-ano pero hindi ko pa natry ilista kung ano nga ba talaga ang gusto kong qualities ni future. pero gagawin ko ang suggestion mo na itanong kay Papa God kung ano ang plano Niya sa buhay ko. salamat sa very inspiring post na ito!😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s