Mga Natutunan ko sa Paghahanap ng Bahay

Sa aking paghahanap at pagtingin ng bahay, ang akala kong simpleng activity na iyon, ay mauuwi pala sa pagtuklas ng mga kaalaman tungkol sa finances. Actually ang OA sabihin na dahil sa pagtingin ng bahay nabago ang aking pananaw sa pera, pero yun talaga ang nangyari. Hindi lang pala simpleng house hunting ang naganap noon kundi ginamit ito ni God na paraan para macheck ko ang paghandle ko ng finances.

Nung natanggap ko ang computation sheet ng developer nakita ko kung gaano kalaki ang babayaran ko buwan buwan. Ang halaga ng bahay ay mahigit 4 million, ang monthly amortization na dapat kong bayaran sa bangko ay mahigit 45 thousand, at ang required na income ko para sa 4 million na loan *ahem* umaatikabong mahigit na 150 thousand.

O_O teka . . . hindi ito biro. Pero gusto ko yung bahay, ano ang dapat kong gawin?

  • Pray – ask God kung ito nga ba ang best niya for me. Tell Him honestly na gusto mo ito pero kung sinabi niyang hindi o hindi muna, matutong sumunod.
  • Seek advice – kanino? Sa mga people na kakilala mo, mapagkakatiwalaan, mature at alam mong may wisdom, at higit sa lahat Godly. Kapag gagawa ka ng big purchase tulad ng bahay, kotse, gadget, o di kaya business huwag kang gagawa ng decision mo mag-isa. Kasi kung ikaw lang clouded ang judgement mo dahil gusto mong bilhin ang iyong big purchase. After mong mag-inquire kay God also ask the people close to you. Dahil mabibigyan ka talaga nila ng advice. Sabi nga ng ate ko, kapag pinirmahan ko na yung papeles wala nang urungan. Gusto ko ba malubog sa utang sa year 2011? Siyempre ayoko.
  • Obey – ngayon na nabigyan na ako ng advice, now what? Sumunod ka at gumawa na ng paraan. Para sa akin yun ang pagsinop ng aking finances. Dati kapag sweldo bibili na ako ng aking mga kailangan, magbabayad ng bills, at pag-uwi mabibigla sa natirang pera sa aking wallet. “Saan napunta yung sahod ko???!! O_o” ang lagi kong tanong sa aking sarili.
  • Self-improvement – ngayon na may malaki akong pangarap nararapat lang na mag-aral ako ng husto kung paano ko maachieve yung pangarap kong yun. Nagbabasa ako ngayon ng libro entitled “Your Money Counts” by Howard Dayton. Nakikinig din ako ng podcast ni Dave Ramsey sa kanyang program na “Financial Peace University”. Siyempre dapat may application din. Magbigay ng tithes regularly, magbayad ng utang, magsave for emergency (3-6 months worth ng sweldo ko),  magbudget at disiplinahin ang sariling sundin ang budget na ginawa mo.

Hindi pa ako expert dito pero ang saya matuto. Ngayon lang din ako gumawa ng annual budget plan ko. Natutuwa ako at madaming tumutulong sa akin, kasama na rito ay ang mga ate ko na para ko na rin financial analyst, ang cool diba! So yun lang, sana may napulot din kayo sa mga natutunan ko.

 

Tuzki Bunny Emoticon current mood: madami pang gagawin.

4 thoughts on “Mga Natutunan ko sa Paghahanap ng Bahay

  1. Anapots. I know what you feel. nangahas din akong maghanap ng bahay.. pero kelangan palang una ko munang tutukan ang pagpapayaman.

    Kapag nakapagumpisa nakong ma discover ang sikreto ng pagpapayaman…. kukwentuhan kita.

    But I will pray for the both of us. weeeee

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s