Financial lessons for kids

Ngayon palang ako actually natututo about finances, about cash flow, savings, budget, at pati sa pag-invest. Kung natuto lang sana ako nung bata pa ako edi milyonaryo na sana ako ngayon (sayang!). Hindi man ako natuto noon sa tingin ko naman ay hindi pa huli ang lahat. Napaisip tuloy ako, kapag may anak na ako tuturuan ko talaga sila about finances.

Ito malamang ang iilan sa aming mga lessons:

Savings – Nung bata ako na aawa ako sa mga classmates at kalaro ko kapag sinasabi nila na hindi daw nila nahawakan ang kanilang mga “pamasko” dahil kinuha ito ng parents nila para sa kanilang “savings account.”

 

Ngayon malaki na ako, sana meron din akong ganun (savings account) nung bata pa ako. Anung nangyari sa mga napamasko ko? Wala na! Na gastos ko na.

Sana bata palang ako sinabi na sa akin na importante ng savings. Kapag nagkaroon na ako ng mga anak isa ito sa lessons namin. Hindi naman siguro 100% ng kanilang kita/allowance ang ilalagay sa savings account, may percentage dun magagamit din nila para naman maenjoy nila.

Budgeting – Dahil napag-uusapan na rin lang naman ang gastos maganda rin na ibahagi ko sa kanila ang importance ng budgeting. Sa totoo lang hindi mahirap magbudget at magkwenta ng pera, ang mahirap ay ang pagstick sa budget na ginawa mo.

Nasa stage palang ako na dinidisciplina ko sarili ko na gumastos na naayon sa budget. Nahihirapan ako ngayon dahil sanay ako na walang budget, pero kakayanin ito, dahil nakikita ko ang benefits nito. At kapag sanay na ako pwede ko nang maituro ito sa mga anak ko with confidence.😀

“kaya mo yan anak, sa umpisa lang yan mahirap. *kindat*”

Business – Na encourage naman ako nila mommy noon na magbusiness. Naalala ko ang una kong business ay magbenta ng white rabbit candies (yung pwedeng kainin ang balat), grade one ako noon. Ang bentahan: piso-tatlo. At dahil sanay ako sa piso-dalawa na bentahan at hindi pa ako marunong magmultiply ginamit ko nalang ang kakaramput kong logic noon. Ang bentahan: basta may piso ka, 2 plus 1. So kung ang pera mo 5 pesos meron kang 10 plus one. Talinong bata. Pinalakpakan ko sarili ko.

Natuwa naman ang nanay ko dahil nag-uwi ako ng pera na higit pa sa kanyang inaasahan. Wala naman nagquestion na kaklase ko noon kung bakit kulang ang kanilang candy e dapat sa piso nila meron silang tatlo at sa limang piso nila meron silang 15. Wag sana nila akong idemanda ngayon.

Giving – Ito ang pinakaimportanteng lesson na maituturo ko sa kanila about finances. Higit pa sa savings, budgeting, at pagtayo nila ng sarili nilang business, masimportante para sa akin ang maintindihan nila ang value ng pagbibigay.

Ito ang mga rason kung bakit:

  • Natututo tayong magtiwala sa Source ng ating mga blessings—si God.
  • We will not fall in the trap of worshipping mammon (the money god).
  • Blessed tayo para maging blessing sa mga taong masnangangailangan.
  • We are reminded that God Himself is a giver.
  • Giving encourages other people to give. Nabubuo natin ang cycle of blessing.🙂

Malamang madami pa akong ituturo, pero ito palang ang mga naiisip ko. Sana makasulat din ako ng libro para mainsipire ang masmadaming tao maging good steward ng wealth na binigay sa atin ni God.🙂

Tuzki Bunny Emoticon current mood: Excited sa mga dadating na panahon!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s