Paano maligo kapag malamig ang panahon

Kaugalian na ng mga Pilipino ang maligo araw-araw. Kahit malamig, kahit male-late na sa school/office, kahit magunaw na ang mundo maliligo pa rin ang mga Pilipino. Personally, isa ako sa mga taong yun, pero hindi ko rin pwedeng iclaim na lahat ng Pilipino ay naliligo araw-araw, especially kapag malamig ang panahon.

Ngayong January malamig na naman ang simoy ng hangin at para malaman niyo ang experience ko dito sa bahay kapag malamig ang panahon read this. So paano na yan? Struggle na naman sa mga Pilipino ang maligo sa umaga. No worries naghagilap ako ng mga paraan kung paano maligo kapag malamig ang panahon (salamat sa social media).

Paano maligo kapag malamig ang panahon:

1) Magpa-init ng tubig.

Syempre kapag ang temperatura ay umaabot na ng 19 degrees Celsius (below) mainam nga naman magpanit nalang ng tubig hindi ba? Pero paano kung wala kang water heater? Paano kung naubusan kayo ng gas, o di kaya ay walang kuryente?

2) Maligo nalang sa gabi.

Kung malamig nga naman bakit mo pagpipilitan maligo sa umaga diba? Edi sa gabi nalang. Isang matalinong nilalang ang nag-suggest nito. At kung nagbigay ako ng prize for best answer malamang may premyo siya.😀

3) Tiisin ang lamig at uminom nalang ng kape after (o kahit anong mainit na inumin)

Tiis-tiis nalang tapos kapag nalampasan reward yourself with a hot cup of coffee. Pero kung magpapainit ka na rin lang ng tubig para sa kape edi sana magpainit ka na rin ng pangligo mo.

4) Titigan ang malamig na tubig hanggang sa uminit ito.

Mind over matter ata ito. Para lang yan “I’m tougher than nails” drama. Pero ginawa ko ito dati. Tinitigan ko ang icy cold water, nung nagbuhos ako malamig pa rin kaya kumanta nalang ako ng “Hallelujah Chorus” para makalimutan ang lamig. Wah epek.

5) Wisik-wisik

In other words, ligong uwak. Pwede din ligong ipis. Teka . . . naliligo ba ang ipis?

6) Itapon ang unang buhos.

Sabi ng kuya ko dahil ang unang buhos daw ang pinakamalamig sa lahat, itapon daw ang unang buhos at yung pangalawang buhos ang ipangligo mo. Isa lang ang masasabi ko dito—ang galing talaga ng kuya ko magbigay ng advice.

7) Mag-umpisa sa baba pataas

Ito actually ang ginagawa ko kapag naliligo—inuuna ko muna ang aking paa, tiyan, tapos balikat hangang buong katawan. Ang rational ng ganitong klase ng pagligo ay para hindi ka mabigla sa malamig na tubig. Pero kung gusto mong itapon ang unang buhos tulad ng kuya ko hindi kita pipigilan.

So yun, ito lang muna ang mga mabibigay kong advice galing sa mga friends and family members na nagshare ng kanilang expertise sa pagligo. Sana’y may naitulong kami. Kayo? Ano bang maiiaadvice mo sa amin?

 
Tuzki Bunny Emoticon current mood: Malamig pa rin.

6 thoughts on “Paano maligo kapag malamig ang panahon

  1. ginawa ko sinabi ng kuya mo..
    masasabi ko
    salamat sa kanya dahil sa ginawa ko ang payo nia napaligo na lng ako dahil no choice nasa banyo na ako hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s