Gusto mo ba maging isang photocopy?

Sabi nila imitation is the best form of flattery. Well, kung meron ngang gumagaya sayo magtataka kung bakit at iisipin mo “shocks! Ganun ba ako ka-cool para gayahin?”

Hindi natin maiwasan humanga sa isang tao. Kapag may nagustuhan tayo inaalam natin mga hilig nila at pilit natin itong ginagaya. Hindi ko actually maintindihan kung bakit (ako rin kasi ganun). Anong meron sa panggagaya na feeling natin na kaclose o pwede natin maging kaclose yung taong hinahangaan at ginagaya natin? Hmm . . . Kung mahilig siya sa isang klase ng music, pinipilit natin gustuhin yung ganung music na yun. Kung gusto niya ng isang klase ng pagkain, pinipilit natin gustuhin yung pagkain na yun. Kung isa siyang artist, pinipilit natin maging artists. Hay . . . ang fake.😦

Pinag-aaralan namin sa aming victory group ang book of Genesis. Last week kami nag-umpisa at siyempre san pa ba kami magsisimula kundi sa Creation.  Matagal ko nang binabasa yung part na yun sa Genesis at parang gasgas na iyon sa akin. Pero kapag binigyan mo talaga ng panahon para aralin ang isang bagay, himayin, at pag-usapan meron kang madidiskubre na mga kaalaman na hindi mo nakita noon. Hindi ko nalang isususlat dito lahat ng natutunan ko pero merong isa talaga na nagstick sa akin. Genesis 1:21

So God created the great creatures of the sea and every living thing with which the water teems and that moves about in it, according to their kinds, and every winged bird according to its kind. And God saw that it was good.

God is creative. Look around you­­—may diversity. Iba-iba tayong ginawa ni God, kahit ang identical twins merong pagkakaiba. Ang pinakamaliit na snowflake pinag-isipan ang design. We have different colors, different hair textures, different eyes, nose and whatnots. Unique—tayo yun!

Kakaiba ako. Walang taong katulad ko, walang tao na may kaparehas ng storya ko sa buhay. Kakaiba ako mag-isip. I feel special kasi pinagtuunan ni God na planuhin ang buhay ko, ang magiging itsura ko, mga talents ko. And I want to stand out. I want to worship my Creator.

found this print at pinterest.com

Tandaan: ang photocopy ay subcopy lang ng original.
Tuzki Bunny Emoticon Current mood: Embracing my uniqueness!

2 thoughts on “Gusto mo ba maging isang photocopy?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s