High school crush, o my high school crush

High school crush, halos lahat tayo meron nito. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit excited tayo pumasok sa paaralan, pumila at kumanta ng “Lupang Hinirang” (nagkakaroon ng saysay ang linyang “ang mamatay ng dahil sayo” habang nakatingin sa crush), at ilook forward ang prom night. Hay~

Nitong nakaraang linggo lang naalala ko ang aking mga high school crush. Actually, hindi sila ang naalala ko kundi yung mga pinaggagagawa ko. Naisip ko basta crush kahit kahihiyan hahamakin ko masulyapan ka lamang. YIKEEEE!

Mga kahibangan ko sa ngalan ng crush

  • Madalas kapag CR break dadaan ako sa classroom ng crush ko para lang masilayan siya. Kahit yung CR namin ay pagitan lang ng tatlong classroom magsi-CR talaga ako sa ibang floor para lang dumaan sa classroom nila. Minsan nagdadasal pa ako na sana lumabas din siya ng classroom para magkasalubong kami. Ayee!
  • Sinulat ko mga pangalan namin sa papel para mag-FLAMES at MASH. Nakalimutan ko nang gawin yun ang alam ko lang isusulat mo pangalan ng crush mo at pangalan mo tapos bibilangin ang mga magkakatugmang letra at . . . basta! Para siyang compatibility test—F for friends, L for lovers, A for acquaintance (ata), M for marriage, E for enemies (ata), and S for soul mates. Labo diba? Pero kinakiligan namin ito.
  • Ginuhit ko siya sa likod ng aking mga notebook at gumagawa ako ng mga comics na kami ang bida. Ito ang perks ng pagiging isang artist pwede mangyari na kami ang magkatuluyan, pero sa imahinasyon ko lang. Badsyats!
  • Sinulatan ko ang crush ko ng love letter. Crush ko kasi ang isang English teacher nung ako’y 3nd year high school. Hindi ko siya naging guro, pero nagsubstitute siya sa amin minsan ng 2 meetings. Yun ang pinakamasayang English class ko ever. Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin at sinulatan ko siya ng isang love letter. Sinabi ko na crush ko siya at pinaabot ko sa totoo naming English teacher nung bumalik na siya. At dahil magkaibigan sila nakarating ang mensahe. Dahil dun binalak akong gawing director ng “Romeo and Juliet” play na hindi naman natuloy dahil sa kakulangan ng budget ng paaralan. Kumalat din sa buong faculty na may crush ako sa isang teacher.
  • Pinagdugtong ko ang pangalan ko sa pangalan niya. HAHAHAHAH! *ahem*
  • Ginawan namin ng mga “code names” ang mga crush namin para kahit napag-usapan namin sila sa CR, cafeteria, basketball court, at classroom ok lang. Ang ilan sa mga memorable na code names na ginawa namin ay Condor at Jimmu Tennu.
  • Nung last week (clearance week) namin sa school tinanong ko kung kilala/naaalala ako ng isa kong long time crush. Tumayo ako sa empty hallway sinigaw ang kanya pangalan at tinanong kung naaalala pa niya ako, at ang sagot niya . . . “Hindi.” Sabay talikod sa akin. O kay sssssakit! >_< (elementary pala ito)
  • Kinaibigan ko ang mga teacher at magulang ng aking crush para sila mismo magpapakilala sa akin sa kanilang estudyante/anak na kinagigiliwan ko. Hindi lang pangalan ang binigay sa akin kundi pati telephone number at class record. Hindi ko alam kung bakit nila ako pinagkatiwala ng ganun ganun nalang, sana pati blessing binigay na rin. LOL!

Ang saya lang ng high school ko kahit hindi ako heartthrob or Ms. Popular noon. Kahit hindi ako naaambunan ng roses sa valentine’s day at nasayaw ng crush sa prom night. Tulad nga ng sabi ko basta masilayan lang si crush buo na araw ko. Hay~

Kayo? Ano bang mga memorable high school crush moments niyo?🙂

current mood: kilig~

20 thoughts on “High school crush, o my high school crush

  1. Nakaka-relate ako! Haha. Ang high school crush ay isa sa pinakamasasayang alaala. Si high school crush lang ang sinayaw ko nung Senior Prom! Pero wala ding nangyari pagkatapos. Haha

  2. ana! i remember those times!🙂 i think kaw pa ung nagbigay ng code name na “pillar” remember? hehe… namiz ko un!🙂

  3. Ay bad trip, hindi pa pala ako nakapag-comment dito?! Waaaah! Hindi ito maaari! Huhu! Ang alam ko nagcomment ako tungkol dito e, di ko lang maalala kung saan!

    Anyway, medyo naka-relate ako… “medyo” dahil hindi noong HS ako nagkabaliw-baliw nang ganito, kundi nung grade school at nung college na (nasa all-girls school kasi ako nung HS). Parang medyo mas malala nga sakin nung college na nangyari, haller hindi na bata pero isip bata!😄 Idol nga kita at nasulatan mo ng love letter yung crush mong substitute teacher, sana may ganyang lakas ng loob din ako.😄

    • Baka sa facebook link ko o kaya sa plurk? Hindi ko na maalala.😛

      Hindi ko rin alam actually kung anung sumanib sa akin at sinulatan ko siya. Matindi lang siguro ang tama ko sa kanya.😄 Hay . . . Minsan, masaya talaga magkacrush. Nagiging makulay ang daigdig kahit alam mong imposible kayo magkatuluyan. HAHA!

      Salamat sa pagcomment.😀

  4. ng dahil kay first crush, naging sobrang baliw ako. nagkaroon ng inspirasyon sa lahat ng bagay at natutong umasa. ngunit, ng dahil din kay “pers crush”, naramdaman ko ang kakaibang sakit sa puso na di magamot gamot ng mga doktor.😦

    • Waw! Wagas ang comment na ito! Hay, I feel you joanna, iba talaga ang sakit at kirot ng pers crush pero iba rin ang ligayang naidudulot niya sa ating puso lalo na kapag ngumiti siya. AYEE!❤

      P.S. Kung pwede lang ako mag-award ng best comment ibibigay ko yun sayo. Salamat sa pag-bisita at pag-share ng iyong saloobin!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s