Balak mo bang magsuicide?

Madami na akong narinig na mga suicide stories. Mga nagpakamatay dahil sa problema sa pamilya, nagpakamatay dahil iniwan ng nobyo/nobya. Nagpakamatay dahil bumagsak sa exam. Madaming dahilan ang mga tao kung bakit nila gustong kitilan ang kanilang buhay.

Meron akong kilala na sa kanyang murang pag-iisip (age 7) naisip niya nang patayin ang kanyang sarili. Napagalitan kasi siya ng kanyang nanay at sa sobrang lungkot naisipan niyang magpakamatay nalang para matapos na ang lahat. Nagsulat siya ng mga liham sa kanyang pamilya at pagkatapos ay pumunta sa kusina para kunin ang kutsilyo. Hindi niya alam kung anong gagawin niya kaya binalik nalang niya ang kutsilyo at pumunta sa kanyang kwarto habang umiiyak. Ako ang batang yun.

Bago ninyo pag-isipan na kunin ang inyong sariling buhay, ano ba ang mga bagay na kailangan ninyong malaman?

Killing yourself will not solve the problem. Actually makakadagdag pa nga sa problema kapag nagpakamatay ka. Isipin mo lang, tatakbuhin ka sa hospital, kapag namatay ka na nga talaga ipapalibing ka pa. Iisipin ng mga tao kung bakit ka nagpakamatay. Kung akala mo walang malulungkot, meron, at madami kang masasaktan. So sa tingin mo may nalutas kapag napakamatay ka? Wala.

Ang problema ay panandalian lamang. Akala lang natin panghabang buhay ang problema. Pero matatapos din yan. Meron tayong madidiskubre at maiintindihan kapag natapos ang problema at masmagiging mature tayong tao. Hindi solusyon ang pagpapakamatay para takasan ang problema.

Kung sa tingin mo walang nagmamahal sayo nagkakamali ka. Ang tanong, mahal mo ba ang mga tao sa paligid mo o mahal mo lang ang sarili mo? Kasi kung ikaw ay nagmamahal iisipin mo ang kapakanan nila ang hindi lamang ang iyong sarili. Kapag pinatay mo ang iyong sarili tinatapos mo na ang kakayanan mong tumulong sa ibang tao. Meron kang magagawa na ikaw lang ang makakagawa, wala nang iba.

And lastly

Bakit mo pa papatayin sarili mo kung meron naman nang namatay para sa iyo? Someone gave His life for you and He is Jesus Christ. Tuwing holy week napapanood natin na namatay si Jesus sa krus. Pero alam ba natin kahulugan nito? Ito ay para iligtas tayo sa ating mga kasalanan para maejoy natin ang buhay. Bakit? kasi mahal Niya tayo. Niligtas niya tayo sa ating mga problema at sa ating mga karamdaman. Noong binigay ko ang buhay ko sa kanya naranasan ko kung gaano kagadang mabuhay, meron akong purpose, at higit sa lahat nalaman ko na mahal na mahal Niya ako. Hindi ako nabuhay sa mundo ng walang dahilan, nabuhay ako para sa Kanya.

Kung binabasa mo ito ngayon at iniisip mong magpakamatay bakit hindi mo muna pag-isipan lahat ng mga nasabi ko. Looking back, kung pinatay ko ang sarili ko noon hindi ko mararamdaman ang ganda ng buhay ngayon, hindi ko maipapamahagi sa inyo na napakagandang mabuhay maslalo na kapag alam mong mahal ka ng Panginoon.

Tuzki Bunny Emoticon current mood: Gumising ka!

8 thoughts on “Balak mo bang magsuicide?

  1. ang ganda nung “You think you want to die but in reality you just want to be saved.”🙂 i think sobrang totoo yan. may time din sa buhay ko na akala ko gusto ko na lang mamatay at mag-laho sa mundong ibabaw. hehe. pero narealize ko din na may purpose si God for me kaya ako nandito and i can live a full life for Him.😀

  2. Ang ganda ng post mo ate Ana!😀 I like it very much. Haha, dati cinocontemplate ko pa noon ang suicide since I figure, I wasn’t really going to be good enough for my family. Pero natuwa naman ako na mas pinili ko pa ring mabuhay dahil hindi man perfect ang mundo, may mga bagay pa rin na magpapa-isip sa ‘yo na may saysay pa rin namang mabuhay.🙂

    • Thank you Ella!🙂 Ang galing ni God actually, dahil kay Jesus nagkakaroon tayo ng hope. Thank you for sharing your experience Ella I appreciate it.🙂

  3. I love the quote in the photo, I love this post and I love your blog!

    Very rare to see Christian blogs written in Tagalog. I`m so much entertained and blessed!

    Keep it up, sis!

    • Hi Cathy! Thank you so much. I tried writing in English pero iba pa rin talaga kapag Tagalog. Natutuwa akong malaman na marami rin palang mga nilalang na naghahanap ng Tagalog blogs.🙂

  4. Nung nabasa ko ito, parang na-enlighthen ako ng 1/4. Pero in my case kasi e kailangan kong magpakamatay para masolved na ang problema. I’m a dialysis pt for almost one year. At sa 1yr na yun puro “Mauubos na ang pera natin” ang naririnig ko sa tatay ko.

    • Hi Kian! Salamat sa pagbisita at pagbasa sa blog. Natuwa ako na naencourage ka ng 1/4. na encourage din ako. Your life is precious, walang amount ng pera ang kayang pumalit sa iyong buhay. Tinubos ka ni Jesus ng kanyang sariling buhay. At kaya ka rin Niyang iligtas sa sitwsyon mo ngayon. Wag kang mawalan ng pag-asa, antayin mo ang miracle sa buhay mo at sa pamilya mo. At kapag nangyari yun, please, balitaan mo ako. God bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s