The Question Most Women Ask

Sumakay ako sa MRT nung isang araw at meron akong nakasabay na mag-ina. Tulad ng maraming bata, ang batang babaeng nakasabay ko ay nakaluhod sa upuan at nakatingin sa labas, nagulat nalang ako ng bigla niya nalang nabanggit ang mga salitang ito, “Ma, sabi ni papa maganda daw ako!” Hindi ko alam kung anung sumagi sa isip nung bata kung bakit niya ito nasabi. Ngumiti ang nanay nito sa kanya at ako napangiti na rin.

Ang tanong na “maganda ba ako?” ay madalas natatanong ng karamihan ng kababaihan. Ako rin tinatanong ko yan, minsan sa aking sarili, minsan sa ibang tao. At kapag tinatanong ko sarili ko hindi consistent ang aking sagot, minsan ang sagot ko ay . . .

“Oo napakaganda mo”

minsan . . .

“Hindi, kasi hindi ako so and so . . .”

Though alam ko na maganda ako dahil nilikha ako ng Panginoon, pero meron pa rin sumasagi sa isip ko na hindi ako maganda.

Nadiskubre ko na naging struggle ko ang issue na ito at dahil dun inalam ko kung bakit ako hindi panatag sa aking God-given beauty. And with God’s grace and wisdom He showed me why:

I compare myself with others. My hair is not as bouncy, as straight, as curly as this person. My skin is not as clear, as white, as dark as this person. My height is not tall enough, not as short. I want to have her nose, her lips, her legs. We compare and we hurt ourselves because want something we cannot have because it is not the way God created us.

Nagconcentrate ako sa physical beauty. Naalala ko nung first time kong makatikim ng tomato juice ang una kong napansin ay ang can kung saan ito nakalagay. Kulay green ito maganda ang desenyo at parang masarap inumin. Pero nung ininom ko na, kulang nalang na idura ko ito dahil sobrang pangit ng lasa. Kung wala ang nanay ko nun sinuka ko na ito. (Ngayon gusto ko na ng tomato juice.)

We are made body, soul, and spirit. Ang katawan natin ay ang ating packaging design. Masyado ba tayong nacoconcentrate kung paano pagagandahin ang ating earthly suit (body) na nakalimutan na natin ang ating soul and spirit?

Charm can mislead and beauty soon fades. The woman to be admired and praised is the woman who lives in the Fear-of-GOD. (Proverbs 30:31 The Message)

Lahat tayo balang araw ay masisira ang ating earthly suit sa katandaan. Puputi ang ating buhok, magkaka-wrinkles, masisira ang ipin, at madami pang iba. Pero tandaan natin na ang ating inner beauty ay hindi kailan mawawala, and in the long run ito ang maaalala ng mga tao.

Do not be frustrated because you do not have the physical features you want, instead celebrate your uniqueness and at the same time cultivate your inner beauty.

Tuzki Bunny Emoticon  current mood: Ang init!

6 thoughts on “The Question Most Women Ask

  1. nice post ate ana! natumbok mo! hehehe. Naalala ko yung librong Captivating by Stasi and John Eldredge. Nabasa mo na? :))

  2. Hello Ana🙂

    Thank you so much for writing this post. Sobrang sakto! Last night, I was staring at myself in the mirror and contemplating on what God gave me. Your post has validated my realization that I need to be contented and be grateful of the beauty that GOD gave has given to each one of us.

    Keep on writing! God bless.

    • Wow! Thank you for sharing Arge. I wrote this to also remind myself how beautiful I am (pinag-isipan ni God🙂 ).

      Nakakabless malaman na nakakaminister ako through my blogs. Yes, I will continue writing.🙂

  3. Hi Ana! This is cute and sakto talaga! I guess, everyone of us girls do struggle with the need to feel beautiful at some point in our lives. Yun lang, the world’s perception of beauty is distorted. Kaya it’s important that we go back to the One who really defines what beauty is. For sure, when we do… sasabihin Nya super beautiful tayo. hehe

    God bless you, girl!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s